{Chapter 62-Suspect}

163 8 1
                                    

Jami's POV

"Good evening. Is jovanlie here?"- tanong ng lalakeng kakapasok lang ng bahay namin.

Matangkad ito, maputi, singkit ang dalawang mata pero kitang-kita ko pa din ang kulay brown nitong mata. Pakiramdam ko'y nagwo-work out ito dahil kapansin-pansin ang katawan niya. Ang buhok niya ay itim na sa gitna nalinya. Halos takpan ng buhok niya ang kaniyang maitim at makapal niyang kilay. May matangos itong ilong, mapormang panga at mapulang labi.

Ito na ba ang sinasabi ni jovan na kaibigan niya?

Parang badboy ah. Sa suot pa lang nito na slacks at white polo ay mapapansin mo na agad. Pero gaya sa kapatid ko ay wala itong emosyon at malamig kung magsalita.

"Sino po sila?"- tanong ko.

Naniniguro lang ako na siya ang tinutukoy ni jovan na kaibigan. Wala naman kase siyang sinabi na may pupunta dito ngayon. Baka nagkakamali lang ako.

"I'm Khenner."- aniya na wala pa ding emosyon habang ang mga kamay niya ay nasa likuran. Naalala ko tuloy na ganun din si officer villafuente. Yung pulis na kasalukuyang um-iimbestiga sa kaso ni jeigh.

Ah khenner. Tama nga ako na kaibigan ni jovan ito.

Akmang magpapaalam muna ako para tawagan si jovan ng marinig kong ang mga yabag nito pababa ng hagdan.

"Lacuesta."- bati lang naman ni jovan dito ng makita at tumango.

"Santillan."- pormal na tumango naman din si khenner habang wala pa ding emosyon.

Pareho sila na walang emosyon, tsk. Hindi nga maipagkakailang magkaibigan sila.

Ni hindi ko nga alam na may kaibigan siya dahil wala siyang naipapakilala samin kahit nuong nag aaral pa siya.

Si khenner pa lang ang kauna-unahang nakita kong kaibigan niya.

"Sit."- sabi pa ni jovan saka niya imwinestra ang sofa namin.

Hindi naman ito nagsalita. Sabay pa silang naupo ni jovan sa pang isahang sofa at sabay pa silang nagpandekwatro.

Para silang nasa business neeting at pormal na pormal.

Magkaibigan ba talaga sila?

"Jami."- tawag ni jovan sakin ng mapansing nakatayo pa din ako.

"B-bakit?"- tanong ko.

Umirap naman ito sakin at gamit ang isa niyang kamay ay sinenyasan niya akong umalis na.

Wala naman akong nagawa kundi umakyat na dahil alam kong ayaw niya akong makinig sa usapan nila.

Yun sana ang gusto ko eh. Baka nahanap na nito kung sino ang bumangga kay jeigh.

Ng makapasok ako sa kwarto ay nag ring ang cellphone kong nasa aking bulsa. Ng makita na si gab ang tumatawag ay agad ko yun sinagot.

"Oh? Kailangan mo?"- walang gana kong panimula at saka naupo sa kama.

"I saw kellion in school."- aniya.

Napaayos naman ako ng upo. "Oo nakita ko nga rin. Nakausap mo ba siya?"- tanong ko.

Narinig ko itong bumuntong hininga.

"I tried to talk to him and found out that tuluyan na siyang aalis. Pumunta lang siya dito para kuhanin ang ilang gamit niya."- kwento nito.

Kumunot ang nuo ko at napasandal sa headboard.

"Hindi ba niya nasabi kung bakit? Sana naman dalawin niya si jeigh kahit saglit lang."- saad ko.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now