{Chapter 34- Feelings}

1.1K 24 1
                                    

Jami's POV

Kinaumagahan...

"Laki ng eyebugs mo ah? Benta na natin yan, pwede?"-biro ng lokong thara sakin habang ngingisi-ngisi.

Pakyuhan ko kaya to?

Walang gana ko siyang tinignan at napaismid na lang. Umayos ako ng upo at tinuon muli ang paningin sa harapan.

Maaga pa kaya wala pa ang lecturer namin.

"Woah! Tahimik!"-dagdag pa niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sakin.

Sinamaan ko na siya ng tingin at pinakyuhan.

"Oh ayan, pakyu ka."-malutong ang pagkakasabi ko nun na tinawanan lang niya.

Aba at! Makatawa ha.

Gago kasing hudas yun. Di ako nakatulog sa text niya sakin. Hindi naman bigdeal pero tangina parang ginawa ko ng napakalaking bagay yung tinext niya sakin. Tangina, sinabi lang naman niyang see you pero napuyat ako sa kakaisip sa ugok na yun kaya ngayon, ang laki ng eyebugs ko.

Hindi naman sa malaki ang epekto niya sakin pero kase....alam mo yun? Hindi ko din alam, tss. -.-

"What's really happening to you? Simula kagabi sa birthday ko, iba na ang kinikilos mo."-puna niya sakin habang may nanunuring tingin.

"Correction, simula nung nahospital na si skyler ganun na siya."-pagtatama naman ni sam at saka sinara ang librong binabasa niya.

Ngayon ay nakatingin na silang dalawa sakin. Pucha, napansin pala nila?

Pasimple akong lumunok.

"Pinagsasabi niyo?"-inismiran ko sila at natawa ng peke.

Tinignan ko sila habang tumatawa ngunit mukhang hindi sila nadala kase ang seryoso ng mukha ng mga ulol. Natigilan ako at pinunasan ang pawis na namuo sa noo ko.

"Nice act but we won't buy it. Now, spill the beans."-taas kilay na sinenyasan ako ni thara.

Napasimangot ako at inirapan sila.

Sabi na nga ba at malalaman at malalaman nila.

Nag aalinlangan ko silang tinignan at napabuntong hininga ng makitang desidido silang malaman ang totoo.

"S-si skyler..."-panimula ko at tumikhim dahil pakiramdam ko nahihirapan akong ikwento sa kanila yung nangyari samin.

Naningkit ang mata ng dalawa. "And?"-naiinip ng singit ni sam.

"S-s-s-a-a-a----"

"SAGING!"-naiinis na hinampas ni sam ang desk niya dahilan para mapatingin sa amin ang ilang kaklase namin. "Ano ba! Sa ka ng sa! Bakit di mo kami deretsuhin?"

"Gago! Teka kase, upakan kita diyan eh!"-kunot noo ng singhal ko sa kaniya.

Tumaas lang ang kilay nito at humalukipkip. Samantalang napapailing na lang ang mga kaklase namin at saka bumalik sa kani-kanilang ginagawa.

"S-sabi niya kase...l-liligawa-----"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang nag ingay sa labas ng room. Puro tili at sigawan ang naririnig namin sa labas. Pero hindi na ako magtataka kung bakit.

Sino nga ba ang dahilan?

Parang unti-unting nag slow motion ang paligid ng biglang bumukas ang pinto sa harapan tapos naunang pumasok si xier.mukhang maaliwalas ang mukha dahil nakangiti ang ugok. Naglakad ito patungo sa likuran namin para maupo. Sumunod na pumasok ay si zack. Medyo kunot ang noo ng pumasok pero ng makita si  sam ay bigla itong nawala.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now