{Chapter 21- Start}

1.3K 24 1
                                    

Jami's POV

Putangnang sabado.

Alam niyo yung tipong sa wakas, makakatulog na ako ng maayos, makakapag pahinga na din ako, hindi ko muna makikita ang mga mukha ng lect namin.

Pero pucha, parang gusto kong baliktarin ang bahay namin sa inis eh.

Sinundo man lang ako ng mga hudas sa bahay at ng tanungin ko kung bakit sila nandito alam niyo yung sagot?

"We're going to pandilla la prevencion"

Aba't kingina, ano daw? Padilla, Robin? Artista yun diba?

Aish! Tangina nila. Kung di lang talaga para sa pera eh lalayasan ko sila. Kaya ayun, no choice akong sumama. Sinundo pa namin sina sam at thara kaya mas lalong sumikip ang sinasakyan namin.

Muntik ko ng I-suggest, "sa compartment na lang kaya ako? Nahiya naman ako sa inyo."

Sobrang malas ko talaga ngayong sabado, kung alam niyo lang.

Pagdating naman namin sa sinasabi nilang lugar na akala ko talaga ay si Robin padilla ay agad kaming pumasok. May ilan pa kaming nakakasabay na pumasok tas may ilang kwarto pa.

"Practice room ang mga yan. Soundproof kaya wala kayong Ingay na maririnig."-pahayag ni xier kaya napatango kami.

Astig naman pala dito.

"So, what are we doing here, anyway?"-tanong ni sam.

Buti natanong niya yan.

"Practice."-kibit balikat na sagot ni skyler.

Napaisip naman ako.

Bakit kailangan pa ng practice eh kayang kaya naman namin. Di na lang sabihin ang bagong misyon para 'hello, money' na. Tss.

"Baka tignan tayo ni el jete mamaya sa practice room."-saad naman ni zack at saka tumigil kami sa isang kwarto.

Binuksan niya yun at bumungad samin ang tatlong ring na nakahilera. Ang lawak pala ng kwartong to. Tapos may full glass window sa gilid kaya kita namin sa labas pero kapag nasa labas ka ay di mo kita ang loob. May sofa sa sulok at tables. Sa kabila naman, may locker.

Sosyalin pala ang pinagta-trabauhan nila. Pwede na rin.

Tumango tango ako at saka nagtungo sa pinakagilid na ring. Sumulyap ako dun at malawak talaga. Pwedeng lima na ang taong makipag rambulan dito.

Sayang nga lang, walang ganto sa EUA.

"Sige na, practice na tayo."-sigaw ni skyler na nasa likod ko na pala. "Kanina pa ko hinahamon nitong sungit eh, kaya kami ang maglalaban."-dagdag pa niya kaya gulat akong napatingin sa kaniya.

"May sinabi ba akong ganun?"-kunot noong tanong ko.

Sa pagkakatanda ko, hindi ko pa kinausap tong loko na to.

"Ay wala ba?"-maang niya pang tanong at saka natawa.

Sinimangutan ko siya. Hudas talaga, tangina niya.

Inirapan ko na lang at napatingin kila sam. Nasa gitnang ring si sam at zack at sa pinakagilid ay si xier at thara. Aba at nagsimula na sila. Excited?

"Ay puta!"-bigla akong napasigaw sa gulat ng bigla na lang may humawak sa magkabila kong bewang at binuhat pataas sa ring.

Nanlalaki ang mata ko siyang dinuro. Nasa baba pa din ito habang hilot hilot na ang braso.

"Ang bigat mo pala. Para akong nagbuhat ng ilang kaban na bigas."-asar pa niya kaya lalong nag init ang ulo ko.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now