{Chapter 22- La Costalhine}

1.2K 19 0
                                    

Jami's POV

Friday,

La Costalhine Bar

Pagkababang-pagkababa ko sa motor ko ay agad akong sumandal dun habang nakaharap sa bar. Humalukipkip ako at pinagmasdan ang mga taong nagsisipasukan sa loob ng bar. May bouncer duon na nagbabantay at karamihang pumapasok ay mga studyante talaga.

Napatingin ako sa suot kong relos.

Tangina. 8:45 na.

Bakit naman ang tagal ng hudas na yun eh usapan naming, magkikita ngayon dito. Pucha. Ang hirap yun kausap talaga. Paimportante.

Nakarinig ako ng harurot ng kotse at ng tignan ko yun, ay isang black na mamahaling kotse ang pumarada sa mismong harapan ko. Mukhang yayamanin ang isang to. Nakawin ko kaya? Hahaha, biro lang.

"Anak ng..."-bulalas ko ng bumaba sa driver seat ang isang hudas.

Sumimangot ako at napa ismid. Paniguradong mag yayabang to dahil sa bago niyang kotse. Tss.

"Hi, sungit!"-nakangising bati niya at saka pa ako kindatan.

Nanatili lang akong nakasimangot at saka naglakad patungo sa kaniya.

Siya naman ay nagpamulsa. Gwapong gwapo ang gago sa sarili ah. Sabagay, may maipagyayabang din kase ang hinayupak. Nakasuot siya ng jeans, white shirt at leather jacket na black.

Pwede na.

"Tara na. Kung di ka pa naman kase late, eh di sana kanina pa tayo nasa loob."-ismid ko at saka naglakad patungo sa bar.

Sumunod naman ang ugok.

"Traffic eh. Alangan naman lakarin ko pa."-sagot niya at tumakbo patungo sa tabi ko.

"Pwede naman ah. Iwanan mo na lang kotse mo dun."

"No, not my baby!"-mabilis niyang tanggi kaya napailing ako.

Kung banggain ko kaya kotse niya? Hahaha, astig yun.

Mabilis naming linabas ang ID namin para ipakita sa dalawang bantay. Pinapasok naman nila agad kami at bumungad samin ang nakakarinding musika at ang patay sindi'ng ilaw.

Tangna. Magdonate kaya ako ng ilaw? Yung hindi pundido?

"Hi, babe."-hinarangan nung babaeng maiksi ang dress si skyler dahilan para matigilan ito kaya nasama na ako.

Malamang, kasama ko ang ugok na ito eh.

"H-hi."-napipilitang sagot naman ng ugok.

Mabilis na lumingkis ang babae sa braso ni skyler dahilan para mandiri ako.

"Need a company?"-malandi pa nitong tanong sabay kindat.

"Ah...you see I-I have my girlfriend here."-pilit ang ngiting sabi niya sabay hila sakin.

Nanlaki naman ang mata ko at nagpumiglas kaso di niya binitawan ang bewang ko.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now