{Chapter 28- Present}

1.1K 26 1
                                    

Jami's POV

Nakakainis talaga ang hudas na to kahit kailan!

"Tangina."-mura ko ng sa wakas ay nakadating kami sa tuktok!

Diyosko! Sa taas ba naman ng nilakad namin! Sinong hindi mapapagod. Kung ano anong pinaggagagawa ng kumag na to sakin eh. Dinamay pa ako sa ka-abnormalan niya. Nyemas.

"Finally. We're here."-nakangising anunsyo niya na para bang hindi man lang napagod. Letse niya.

Kasalukuyan kaming nasa cliff habang sa baba ay yung dagat pa din na pinuntahan namin. Ewan ko ba sa kumag na to. Sabi niya, maliligo siya tapos anong gagawin namin dito? Pinagti-tripan na naman ako ng loko.

Hinihingal akong napaupo sa damuhan. Buti na lang at medyo mahangin kaya kahit papano nabawasan yung pagod ko.

Nagpunas pa ako ng konting pawis ko.

"Oh, inumin mo to."-aniya sabay bato sakin nung mineral water.

Agad ko naman yun nasalo at mabilis na ininom. May silbi din pala yung dala niyang bag. Ano kayang laman ng mga yun?

"Huwag mong ubusin. Tubig ko yan."-puna niya kaya naman gulat kong naibuga yung nainom ko.

"What the fvk? Kaya pala may bawas dahil uminon ka kanina?!"-inis kong singhal sa kaniya.

"Arte mo naman miss. Pasalamat ka nga naka indirect kiss ka sakin!"-ngisi niya at saka natuwa.

"Pwe!"-inis kong pinunasan ang bibig ko bago binato ulit sa kaniya yung mimeral water. Kainis!

Sumilip siya sa baba at saka napatango tango na parang baliw. Binaba niya yung bag niya sa damuhan at saka nagtanggal ng sapatos. Kinunutan ko siya.

"Gusto mo siyang kalimutan diba?"-bigla niyang tanong habang busy sa pagtanggal ng kaniyang sapatos.

Di naman ako umimik.

"In order for you to forget him, you must first free yourself."-paliwanag niya na para bang teacher at ako ang student niya.

Pagkatapos niyang magtanggal ng sapatos, umayos ito ng tayo at saka hinubad pa ang t-shirt niya!

Aba't gago to ah! Anong nasa isip ng bugok na to?

Napaiwas ako ng tingin bigla. May nakita ata akong anim na pandesal este abs! Fvk! Di ako ito eh! Ano bang naiisip ko? Pero sabagay, maganda ang katawan ng kumag. May maipagyayabang na, tss.

"Tara na."-yaya niya ng wala na siyang suot na shirt.

Napapakamot sa ulo akong tumayo.

"Ano ba talagang gagawin natin?"-tanong ko habang naglalakad papalapit sa kaniya.

"Basta. Tanggalin mo na yang sapatos mo, bilis!"-utos pa niya at ako naman si tanga, wala sa sariling nagtanggal ng sapatos.

Tiningala ko siya pagkatapos nun.

"Ano na?"-naiinip kong tanong.

"Halika dito."-sinenyasan niya akong lumapit pa lalo sa kaniya.

Medyo malapit na kami sa cliff kaya kitang kita ko sa baba ang tahimik na dagat. Bigla akong kinabahan.

"H-huwag mong sabihin na----"

Di ko na natapos ang sasabihin ko ng tumango ito!

Fvk! Ayoko pang mamatay no! Ano siya sineswerte? Ayokong madamay!

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon