{Chapter 15- Partner}

1.2K 31 1
                                    

Jami's POV

Tanginang kumag na to para hamunin ako. Anong akala niya sakin, walang binatbat? At siya pa naglakas loob na sampalin ako? Aba't ang kapal din ng mukha ng gago.

Kaya ayun sinapak ko ng matauhan. Tarantado siya, ako pa hinamon? Isang santillan to! Walang sinuman ang gustong hamunin ako.

"Aba't puta!"-malutong na mura ng gago at napahawak na sa labing dumudugo.

Kita niyo? Isang sapak pa lang yan, tumba na. Sinong may gustong hamunin ako't sasapakin ko. Tss.

"Gago pala to eh."-mura ng mga kasama niyang nasa likod.

"Alam mo, huwag ako angasan mo dahil pag ako sinipag, sabog yang mukha mo."-duro ko dahilan para mas mainis ito.

Oh tignan mo, tumayo na ang gago. Angasan pa ata ako eh.

"Hoy tomboy!"-duro niya sakin.

Napintig ata tenga ko dun ah.

"Ang angas mo rin eh. Nakasapak ka lang, ang laki na ng tingin mo sa sarili mo. Kung suntukan na lang kaya tayo."-aba't humamon na naman.

"Bigyan mo ng leksyon yan."-sang ayon naman ng mga kasama niya.

Napangiwi ako at saka bumuntong hininga.

Natawa ang kumag na tila nang iinsulto.

"Ano ha? Tomboy."-asar niya at akmang sasampalin ako ulit ng sinikmuraan ko sa inis.

Nanlaki ang mga mata nila sa gulat samantalang nasa gilid lang sina thara. Hindi alam ang gagawin.

"Pucha. Sinasagad mo talaga ako eh no."-nahihirapan niyang sambit at sumugod agad.

Agad ko namang nasambot ang kamao niyang papasuntok sakin at saka gamit ang malaya kong kamay sinakal ko ito. Nanlaki lalo ang mata nila pero umiling lang ako at tinulak siya sa pader.

Tss. Easy. Kala ko hihingalin ako, tangna bakla pala to eh.

"H-hoy jami."-pigil nila thara sakin kaso hindi ko pinansin.

"Gago ka ah! B-bitawan mo ko! Tangina!"-pilit niya akong inaabot pero mas lalo ko lang hinihigpitan ang pagkaka sakal neto.

Loko eh. Kala mo kung sino. Saktan ba naman pati kaibigan ko.

"Isaksak mo din sa makitid mong utak."-dinuro ko ang ulo niya gaya ng ginawa niya sakin kanina.

"Wala kaming luluhudan kung wala kaming ginagawang kasalanan o taong inaapakan. Kung ako sayo, mag aral ka na lang ng mabuti baka swertehin ka, makagraduate ka pa."-sambit ko at saka tinulak ito dahilan para mapaupo at mapaubo ang ugok.

Samantalang agad kong namataan ang f4. Tangina. Nakanood pa sila ng live show, tss. Kung se-swertehin ka nga naman.

Napailing na lang ako at naglakad papalayo. Nakaharang naman ang mga alipores nung hudas dahilan para samaan ko sila ng tingin.

Napaigtad naman silang lahat sa gulat at aligagang nagsitabihan.

Napangisi ako. Ganyan nga. Ako ang boss dito eh.

"Huy jami! San ka pupunta?"-takang tanong nila sam pero kinawayan ko na lang sila kahit nakatalikod na ako.

Naglakad ako palabas ng university at gaya ng dati, tumakas ako at nagtungo sa parking lot.

Aalis na ko dito para mag isip isip. Bakit nga ba? Wala lang, trip ko lang. Tss. Nabadtrip ako eh. Kaya magda-drama lang muna ako, joke.

Mabilis akong umangkas sa motor ko at pinaharurot yun. Biglang nahanginan ang buhok ko dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko pero di ko na yun pinansin pa.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now