{Chapter 75-Mrs. Vellarde}

334 8 1
                                    

Jami's POV

Pagkatapos ng half month ay muli na naman akong nakauwi ng Pilipinas mula sa Italy.

Kakababa lang ng eroplano sa firm runaway ng airpot at nagsimula ng magsibabaan lahat ng pasahero.

Kasama ang dalawa ko pang piloto ay chineck muna namin ang mga bagay na nasa cockpit upang makasigurong wala kaming naiwan.

Nang maayos namin ang lahat ay agad na kaming lumabas.

Humarap sakin si jeremy at owen saka muli silang sumaludo sakin. Napangiti naman ako.

"Another day without your smile
Another day just passes by
And now I know
How much it means
For you to stay right here with me"

Nangunot ang nuo ko ng makarinig ako ng kumakanta sa mic. Sabay namang nagkatinginan ang dalawa kong kasama atsaka napangiti.

Tuluyan na akong lumingon sa paligid at hinanap kung saan nanggagaling yun.

Hanggang sa matanaw ko ang isang stage na nasa gitna kung saan nanduon si skyler at may hawak na mic. Sa likuran nito ay si xier na tumutugtog ng drum, si zack na tumutugtog ng gitara at si thara na nasa harapan ng piano.

Napanganga ako ng mapagtanto ang ginagawa nila.

"The time we spent apart
Will make our love grow stronger
But it hurts so bad
I can't take it any longer..."

Kanta pa niya habang bakas sa labi niya ang pag ngisi. Natatameme ko siyang tinitigan at hindi ko malaman kung anong gagawin at magiging reaksyon ko.

Nagulat na lamang ako dahil hindi ko inaasahan na ganito ang ibubungad niya sakin.

Lahat ng pasaherong nakababa na ay natigilan sa paglalakad at pinanuod ang mga ito.

"I wanna grow old with you
I wanna die lying in your arms
I wanna grow old with you
I wanna be looking in your eyes
I wanna be there for you
Sharing in everything you do
I wanna grow old with you"

Napapikit ito habang marahang kumakanta. Yung boses niya ay umaalingangaw sa buong paligid. Nakakagaan ang kaniyang boses kahit na malamig yun at malalim.

Umusbong na lamang ang saya na nararamdaman ko saking puso. Napangiti ako at marahang naglakad papalapit sa gawi nila.

Hindi ko alam kung nagpaalam siya para gawin ito dito. Sa reaksyon pa lamang ng mga kasama ko kanina ay pakiramdam ko alam na nila ang nangyayari.

Naguguluhan ako. Wala namang espesyal na okasyon ngayon. Hindi naman namin anniversary ngayon dahil sa desyembre pa. Hindi rin ngayon ang birthday ko.

Bagamat nagtataka ay hindi ko na siya sinuway pa. Nakakahiya ngunit may banda sakin na kinilikilig sa ginagawa niya.

"A thousand miles between us now
It causes me to wonder how
Our love tonight (our love tonight)
Remains so strong (remains so strong)

It makes our risk (it make our risk)
Right all along
The time we spent apart
Will make our love grow stronger
But it hurt so bad I can't take it any longer"

Nang makalapit ako sa kanila ay agad na tinanggal ni skyler ang mic sa stand atsaka tumalon pababa ng stage.

Nagpatuloy ito sa pagkanta habang marahang naglalakad papalapit sakin. Nanatili naman ang mga mata ko sa kaniya, tila namamangha. Sa bawat bigkas niya ng mga liriko ay tumatagos yun sa puso ko. Damang-dama ko yun hanggang sa kailaliman ng damdamin ko.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now