{Chapter 35- Contented}

456 14 2
                                    

Jami's POV

Sabado ng yayain ako ni skyler na magbeach party daw. Di ko alam kung anong nakain ng lalakeng yun para pumunta dun eh sa pagkaka alam ko hindi mahilig sa mga party-party ang kumag.

Dahilan pa niya, wala kase daw siyang magawa sa bahay nila at nabo-bored siya kaya naisipan niya akong idamay sa pupuntahan ng ugok.

Hindi naman na din ako nakatanggi dahil mapilit siya at saka isa pa sumama na din ako dahil gusto ko din siyang makasama. Ilang linggo na ba simula ng manligaw siya? Hindi ko na matandaan pa pero ang alam ko, kapag niyaya niya akong mag date palagi akong nag e-njoy kasama siya.

Hindi naman kase boring na kasama si skyler. Lalo na dahil palagi kaming nag a-asaran. Palagi akong masaya kapag siya ang kasama ko. Sa tagal ng panliligaw niya sakin, hindi ko na alam kung may napapansin na sina sam. Hindi na lang sila kumikibo duon pero ramdam kong may namumuo sa kanilang isipan.

Mga 5 ng hapon ng sunduin ako ni skyler sa bahay. Nagsuot lang ako ng fitted black jeans, white v-neck at saka converse. Dun naman ako komportable at saka party lang naman ang pupuntahan namin.

Si skyler naman nakasuot lang ng white t-shirt tapos black na short at rubber shoes.

Gwapo siya kahit anong suotin niya kaya di na talaga ako magtataka sa mga babaeng mapapatingin sa kaniya mamaya.

"Saan bang lugar magaganap yang beach party na sinasabi mo?"-tanong ko ng paandarin na niya ang kaniyang kotse.

"You'll know later. Maybe an hour to drive before we get there."-tugon niya habang nasa daan ang paningin.

Kunot noo ko siyang sinulyapan. "Teka nga, pano mo nalaman na may party?"-tanong ko sa kaniya.

"Skylein told me earlier. Saktong gusto kong lumabas kaya sinama kita."-nginitian niya ako pero hindi ko siya nginitan dahilan para mapanguso siya.

"Talagang dinamay mo pa akong mag-party ano?"-humalukipkip ako.

"What? Gusto kitang makasama eh."-nginisihan niya ako at saka tinaas baba ang kaniyang kilay.

"Ganyan pala magkagusto ang mga hudas."-tatango kong wika habang nakatingin sa daan.

Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagsimangot niya.

"Kailan pa ako naging hudas?"

"Simula ng makilala kita."-agaran kong sagot.

"Kung ganun, ako palang ang kauna-unahang pinanganak na gwapong hudas."-ngumisi pa siya at saka pinasadahan ang buhok niya gamit ang isa niyang kamay.

"Ang kapal mo talaga."-nakangiwing sambit ko.

Pakinig ko ang tawa niya. "Akala ko ba nasanay ka na? Hindi pa pala."-sambit niya.

"Alin? Diyan sa kakapalan ng mukha mo?"-biro ko.

Hindi naman siya kumibo kaya napatingin ako sa kaniya. Pero nagulat ako ng maramdaman ko ang malambot niyang kamay na kinuha ang kamay ko. Dahan-dahang bumaba ang paningin ko sa kamay namin. Hindi ako nakaimik dahil nanatili ko yun pinagmasdan.

Pinagsalikop niya ang kamay namin. Ramdam ko na naman ang kabog ng dibdib ko. Palaging nangyayari to kapag hinahawakan niya ang kamay ko, kapag lumalapit siya sakin, kapag nagsasalita ng mga salitang hindi ko inaasahan. Sa ilang linggo niyang nanliligaw sa akin, palagi ko itong nararamdaman kaya nasasanay na ako.

Pero hindi ko pa din mahanap ang sagot kung bakit. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"We're here."

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon