{Chapter 50- Kiss}

298 12 4
                                    

Jami's POV

Nagising akong nakangiti kinabukasan.

Pakiramdam ko lahat ng nangyari kagabi ay isang panaginip lang. Ngunit ng makita ko ang koronang bulaklak sa side table ko ay muling bumalik ang ngiti ko.

Wala sa sariling hinaplos ang labi ko.

Tandang-tanda ko pa kung paano nagdampi ang nga labi namin kahapon. Tandang-tanda ko pa kung gaano kalambot ang mga labi niya at hindi ko kailanman makakalimutan ang bagay na yun.

Masaya akong napabuntong hininga bago pumasok sa cr para maligo.

Pagkatapos kong maligo at magbihs ay agad akong lumabas ng kwarto ko.

Luminga linga pa ako pagkalabas ko, nagbabakasakaling gising na din si skyler at nasa paligid lang.

Ngunit pagdating ko sa kusina ay wala pa ito. Pumunta ako sa salas at gaya ng kanina wala din ito.

Taka akong napakamot sa ulo ko.

"Mag a-alas nueve na ah. Tulog pa ba yun?"- bulong ko sa sarili ko.

Napaka antukin naman niya kung ganun!

Agad kong tinungo ang kwarto niya na katabi lang nang akin. Tumikhim muna ako bago kumatok ng mahina sa pinto niya.

"Skyler."- tawag ko ngunit hindi siya tumugon.

Simula ng magka alaman kami kagabi ay nabawasan na ang pagdadalawang isip ko sa kaniya.

Pagdadalawang isip na lapitan siya at kausapin. Kase alam ko namang naiinis siya sakin. Naiinis siya sa ginawa ko sa kaniya.

Pero ng marinig ko lahat ng sinabi niya kahapon ay unti-unting nawala ang bigat ng kalooban ko.

Sobrang saya ko dahil sa wakas ay nagka-ayos na kami.

Dahil sa pag iisip ko ay hindi ko namalayang bumukas ang pintuan.

Bigla akong natulala ng bumungad sakin ang pabango niya. Sa sobrang bango nun ay halos gusto ko na lang singhutin pero agad ko ding pinigilan ang sarili ko.

"Good morning."- saad pa nito na lalong kinagulat ko.

Nag good morning siya sakin?!

Tumagal ang paningin ko sa mukha niyang maaliwalas. Bagong paligo ito dahil basa ang buhok niya at magulo pa.

Nakita kong napangisi ito sa reaksyon ko bago yumukod at inabot ang labi ko.

Bahagya pang tumunog ang pagnakaw ng halik nito sakin bago siya napaayos ng tayo.

Napalunok ako bigla.

"Are you just going to stand there?"- tila natutuwa pa nitong puna dahilan kung bakit ako natauhan.

"H-hindi."- sagot ko at saka tumabi para may daraanan ito.

Hindi talaga ako nasasanay sa kilos ng lalakeng ito. Nagugulat pa din ako hanggang ngayon.

"Are you not going to greet me?"- taas kilay nitong tanong at saka patagilid akong sinulyapan.

Kumunot naman ang nuo ko.

"Ba't ba english ka ng english?"- taka kong tanong dahil kanina ko pa yan napapansin.

Tsk. Umagang-umaga.

"Babatiin mo ba ako o iinsultuhin?"- inis na nitong ismid.

Sinong may sabing iniinsulto ko siya? Atsaka bakit ang pikunin ng kumag na to?

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz