{Chapter 6- Misinterpret?}

1.6K 42 0
                                    

Jami's POV

"Stop it nathan!"-malamig na sigaw ng isang lalake sa likod namin. Napatingin naman silang lahat maliban sakin sa lalakeng sumigaw.

*katahimikan*

Narinig ko pa atang tumunog ang tiyan ko.

Hanggang sa....

"Waaaaah! O my gee!"

"Anong ginagawa nila xier dito?"

"Ang gwapo talaga ni xier"

"Yiee! Nandito na sila."

Agad na tilian at sigawan ng mga babae sa loob ng cafeteria. Halos mapailag pa ako sa sigaw nila. Peste!

Pumunta ang tatlong lalake na kaklase namin (sila yung nasa likod namin) sa gawi nila thara. Tsk! Isa ring pakialamero ang mga to. Nasa kasukdulan na kami ng teleserye pero may mga unggoy na nakisingit! Peste!

Ano kayo, F4? Oh baby, baby, oh baby, baby... che!

"What?! Hindi ko papatulan ang babaeng to kung hindi ako sinusumbatan xier."-kausap niya ang lalakeng pumigil sa kaniya.

"Hindi din sana kita susumbatan kung hindi mo ako tinulak!"-pangangatwiran ni thara. Nakakunot naman noo ni xier. Yung dalawa namang kasama ni xier ay parang wala lang sa kanila yun. Parang tatlong tao lang ang naguusap at nagkakamustahan. Tsk.

"Stop it nathan. Just leave her."-madiing ani ni xier sa unggoy na to.

"Fvk it! May araw ka rin."-duro pa niya kay thara at umalis na habang nagmumura pa rin.

"Hayaan mo na thara."-biglang singit ni sam at lumapit ito.

Napahinga na lang ako ng malalim at pumunta sa nagtitinda na ngayon ay wala ng tao na nakapila. Bumili ako ng tatlong sandwich at tatlong juice. Ayos ah! Dahil lang sa eksenang yun nawala agad ang mahabang pila? Kung araw-arawin na lang kaya ni thara para hindi na ako mahirapang bumili? Pwede.

Pagkatapos kong magbayad ay nasa labas na ang dalawa at naguusap. Tsk. Unang araw pa lang nakipag away na. Buti na lang hindi ako nadamay malaman pa ni jovan. Tsk.

"Aba! Talaga namang binilhan mo pa kami?"-nakangising asar sa akin ni thara. Tsk. Parang walang nangyari. Eh halos lahat ng taong lumalabas sa cafeteria tumitingin sa gawi namin. Umirap pa sa amin ang mga ilang babae.

"Hindi ko kayo binilhan. Akin lahat ng ito."-matabang kong sabi at nagpaumunang maglakad. Tsk. Pasalamat ka pa! Kung ayaw mo, eh di kakainin ko lahat.

"Jami naman! Syempre nagbibiro lang ako."-malambing niyang sabi at hinarangan ako. Peste! Kala nito! Magutom ka mag isa mo letse!

"Okay."-tinatamad kong sabi at naglakad ulit. Nasa tabi ko na si sam.

"Letse! Di pa kasi binigay."-dinig kong reklamo ni thara at agad humabol sa akin. Hindi din matiis ang lintik!

"Oh ayan! Kainin mo narin yang plastick."-mapang asar kong binigay sa kanya ang isang sandwich at juice, ganun din kay sam.

"Ang bastos mo ah!"-nakangiwing singhal ni thara sa akin. Nagsalita pa kung puno na ang bibig! Mabulunan ka sana. At pag nangyari yun lalayasan kita dito.

"Tsk. Huwag kayong pakampante dahil may bayad yan. Sabihin niyo na lang na may utang kayo sa akin."-sabi ko na nakapagtigil sa kanila sa pagnguya. Bwahaha! Anong akala niyo sa akin?! Ginagawa ko ng libre?! Neknek niyo! Mga buraot kayo.

"Ay! Hindi pwede to!"-iiling iling na sabi ni sam. Nginiwian ko naman siya.

"Isauli na lang natin ang natira sam."-sabi naman ni thara kay sam.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now