{Chapter 73-New Santillan}

231 8 1
                                    


Jami's POV

Mahigit isang buwan ang lumipas. Nakulong si melendez at tuluyan ng nalugi ang kaniyang negosyo.

Sa isang isang iglap, bumalik lahat sa dati. Malaya na kaming nakakalabas. Wala ng pangamba at takot sa amin. Wala na kaming natatanggap na mga banta at yun ang naging dahilan kung bakit naging payapa muli ang buhay namin.

Nabalitaan ko rin na bumalik na si hanzer sa EUA. Sa grupo naman namin ay pinagpasyahan ni jeigh na huwag ng makilaban duon. Bagamat wala na ang black demon, mananatili pa din kaming magkakaibigan at magtutulungan kami kahit na anong mangyari.

Ganun din sila skyler. Nawala na ang grupo nila magmula ng mawala ang organisayon ngunit kahit ganun, nanatili pa din ang tatlo na magkakasama.

Kahit na may nagbago ay nanatili pa din kaming magkakasama.

"Happy moving up everybody!"- sigaw ni thara ng makalapit siya samin. Kasama nito ang kaniyang pamilya.

Nakasuot kami ng uniporme ngayon habang may hawak kaming certificate bilang patunay na natapos namin ang sekondarya.

Nakakuha naman ng medal sila zack, sam at skyler kaya sobrang saya namin dahil nasuklian ang pagpupursigi nila.

"Congratulations!"- bati ng mommy ni thara sa amin atsaka isa-isa niya kaming niyakap.

"Salamat po tita."- sagot namin habang nakangiti.

"Why don't you join us at our house? May hinanda akong celebration para sa inyo."- nakangiting yaya niya habang naka kawit ang kamay niya kay tito, ang asawa niya.

"Sige po tita, marami pong salamat."- sagot ni sam habang nakangiti.

Napapalakpak si tita habang bakas sa kaniyang mukha ang excitement.

"Great! Don't forget to invite your family! See you there."- masaya nitong paalala at nagpaalam na sila na mauuna na sila.

Yumakap pa samin si ate thania at binati kami bago sila saba-sabay na umalis. Kumaway samin si thara at pinaalala samin ang pagpunta sa kanilang bahay.

Nagsitanguhan naman kami.

"Jami, dun lang kami ni zack."- paalam ni sam sabay turo sa gawi ng pamilya niya.

Agad naman akong tumango at ngumiti. Nagpaalam na din muna si skyler at xier ng makita ang pamilya nila na naghihintay.

Kakatapos lang ang program kaya maraming estudyante ang nagpi-picture sa stage kasama ang mga pamilya nila. Ang ilan ay umalis na para siguro makapag celebrate.

"Congratulations bunso! Sa wakas natapos mo na ang highschool!"- tatawa-tawang bungad sakin ni jeigh habang may hawak pang bulaklak.

Porket okay na ang kamay niya ay nagagawa na niya akong asarin at tapik-tapikin. Tsk.

"Salamat ha."- sarkastiko ko siyang inirapan atsaka inabot ang boquet na dala niya.

Sumunod naman sila tanda at jovan.

"Matagal ko ng pinangarap to apo! Ang tagal mong hindi nakatapos."- wika ni tanda atsaka ako niyakap.

Sarkastiko ko naman siyang nginitian na kinatawa lang nila.

"Take this."- sambit ni jovan sabay abot sakin ng isang regalo. Maliit lang yun na kahon at may ribbon pang red.

"Regalo namin yan."- sabat ni jeigh habang nakangising naghalukipkip.

"Hindi mo naman pera apo, ano ba."- asar ni tanda sa kaniya dahilan para mapasimangot si jeigh.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now