{Chapter 55-Fight}

184 11 1
                                    


Jami's POV

"Problema mo?"- puna ni jeigh ng makita ako sa sala na tulala. Hindi ko naman ito pinansin bagkus ay tinignan ko lang ito.

Naupo ito sa isang sofa habang kumakain pa ng chips.

Nagkibit balikat ako. "Ah yung nag away ang mommy at daddy nila skyler?"- tanong nito.

"Pano mo nalaman?"- wala gana kong tanong, nagtaas pa ng kilay.

Ito naman ang nagkibit balikat. "Skylein called me last night."

Hindi na ako nagulat dun. May relasyon naman ang dalawa kaya hindi na ako nagtaka ng malaman agad yun ni jeigh.

Napabuntong hininga ako. "Ewan ko nga kung bakit nag away ang mga magulang nila. Tuloy ay naapektuhan na sila skyler."- saad ko atsaka nag iwas ng tingin.

"Natural lang yun sa pamilya jami. Huwag kang mag alala, magkaka ayos din si tito at tita."- pampalubag loob pa niya sakin.

"Nga pala nakalimutan ko letse. May laban tayo mamaya."- dagdag niya kaya muli akong napalingon dito.

"Ano?!"- gulat ko siyang tinignan.

Walang pake niya akong tinignan atsaka sumubo na naman ng chips. "Nagtatanong ka saken nuon tungkol sa laban naten tapos ngayong mayron na saka ka magugulat?"- inismiran niya ako.

"Eh sa hindi ko inaasahan. Tsk."- umirap ako at padabog na sumandal sa kinauuupuan ko.

"Teka lang, ako na natatawag kina kristoff."- aniya na hindi ko lang pinansin.

Nahiga ako sa sofa at napatitig sa kisame.

Kagabi ko pa talaga iniisip si skyler. Nahihirapan akong makatulog dahil dun. Ayoko namang magtanong dahil nirerespeto ko siya at ang desisyon niyang huwag sabihin sakin ang problema nila.

Ang kaya ko na lang na maitulong sa kaniya ay yung manatili ako palagi sa tabi niya kahit anong mangyari.

**

"The attacker is the red phoenix! Let the battle begin!"- anunsyo ng announcer at kasabay nun ay mga sigawan ng mga taong nasa arena.

Humanda agad kami sa sugod ng kabilang grupo. At dahil sila ang attacker ibig sabihin kami ang mag po-protekta kay jeigh na nasa likod lang at nakaupo. Dahil siya ang lider ay siya lang ang nakaupo sa likuran namin ganun din ang lider sa kabilang grupo. Ngunit pag natalo kami ng kabilang grupo ay si jeigh na ang lalaban sa myembro. Kung sakaling matalo nila si jeigh na lider namin, ibig sabihin nanalo na sila.

Lahat kami ay dumipensa ng makitang sumugod lahat ng myembro .

Agad kong naiwasan ang amba nung dalawang nagtungo sakin. Umikot ako pakanan at hinuli yung isang nasa kanan ko. Hinatak ko ito sa kwelyo at saka sinalubong ng kamao ko sa mukha niya.

Dahil sa bigla ay hindi nito naiwasan ang suntok ko dahilan kung bakit ito napaupo sa sahig.

Ang isa naman ay sinugod ako ng suntok na agad kong naiwasan payuko. Sinikmuraan ko ito ng isang malakas na suntok at ng mamilipit ito ay siniko ko ang batok niya kaya nawalan ng malay. Ayun tumba sa sahig.

Linibot ko ang paningin sa buong arena. May sari-sariling kalaban ang mga kasama ko ngunit ang problema ay wala si kellion.

Oo, ang tanginang yun hindi namin makontak. Lalo na't mas marami ang myembro ng kalaban namin. Tapos nabawasan pa samin ng isa.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon