{Chapter 51- Questions}

216 9 0
                                    

Jami's POV

Ng tumila na ang ulan ay agad na kaming umalis sa isla.

Wala na kaming kibo ng matapos ang nangyaring halikan namin kanina. Hindi ko alam pero naging awkward para sakin ang nangyari pagkatapos nun.

Ni hindi nga ako makatingin sa kaniyang mata dahil sa hiya. Sa isiping nagawa kong magtanggal ng t-shirt sa harapan niya, makipaghalikan ng matagal at hinayaan siyang halikan ang leeg ko. Parang gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko at maglaho.

Nakakahiya talaga. Baka isipin niyang mabilis lang akong bumigay.

Pero sa totoo lang, hindi ako ganun. Pati noon kay vin dahil hindi naman kami umabot sa ganung pangyayari. Dahil alam kong mali ang gawin yun.

Kaya ganun na lang ako katahimik ng mapagtanto ang ginawa namin.

Alam kong nasa wisyo pa ako ng halikan niya ako. Alam ko sa sarili kong ginusto ko yun at hinayaan siya. At alam kong sa oras na maulit yun ay hahayaan ko siya.

Ibang iba si skyler kay vin. Kung si vin ay napaka lambot at mabait, ibang- iba naman kay skyler.

Alam mo yung makulit pero may pagka agresibo? Yung tipong magugulat ka na lang kapag may gagawin siyang kakaiba sayo.

Gaya ng nangyari kanina.

Hindi ko alam na alam niya ang ganung bagay. Pero ano bang alam ko sa kaniya tungkol sa ugali, pangalan at pamilya niya?

Ni hindi ko nga alam ang paborito niyang kulay, pagkain at kung ano ano pa.

Naputol ang malalim kong pag iisp ng maramdamang tumigil ang jetski. Saka ko lang napagtantong nakadating na kami.

Pagkababa'y sumalubong samin ang isang caretaker ng jetski para itali ito bago namin makita si mang eduardo na humahangos patungo samin.

Nasa likuran ko si skyler ng makalapit ito samin.

"Saan kayo nagpupunta at ang tagal niyo? Kayo talaga, pinag alala niyo ko. Baka kako may masama ng nangyari sa inyo."- napapailing na bumuntong hininga si mang eduardo.

Napangiti ako ng makita sa mukha nito ang pag aalala.

"Pasensya na mang eduardo. Umulan kase k-kaya natagalan kame."- paliwanag ko at napalunok ng maalala ang nangyari.

Muli itong napabuntong saking tugon sabay abot samin ng tuwalyang hawak niya.

"O siya. Magpunas na kayo't magpalit. Magpapahanda ako ng makakin niyo."- saad nito bago naunang pumasok sa hotel.

Habang nagpupunas ng buhok ay nagsimula na akong maglakad.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ng maramdamang may bumalot saking likuran.

Natigilan ako at bumaba ang paningin sa twalyang nakabalot sakin mula likod.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko habang ang kamay kong nagpupunas sa buhok ko'y tila nanigas.

"You're bra is showing."- tipid nitong sabi.

Naglakad siya patungo sa harapan ko at ng muling magtama ang mga paningin namin ay mas lalong bumilis ang kabog ng puso ko.

Napalunok ako ng mamataan ang labi niyang sobrang pula. Sa hindi malamang dahilan ay nakagat ko ang labi ko.

"Let me..."- saad nito sabay abot sa twalyang hawak ko at nakapatong sa ulo ko.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now