{Chapter 30-Confession}

1.1K 21 4
                                    


Jami's POV

Nakatulala ako sa kawalan habang nasa labas kami ng kwarto ni skyler. Kakadala lang nila siya dito pagkatapos nilang gamutin ang natamo niyang saksak sa likod. Medyo malalim yun kaya naman halos mahirapan kaming takpan ang tama niya kanina dahil sa mga dugo'ng dumadaloy dito.

Agad namin siyang nadala dito sa hospital at ngayon, nasa labas kaming lahat para hintayin'g makalabas ang doktor.

"What happened?"-bumaling kami sa kakadating na magulang at kapatid ni skyler.

Bakas sa kanilang mukha ang pag aalala.

Nagkatinginan kaming lahat dahil wala kaming mahanap na sagot. Naalala kase naming hindi din nila alam na kasali si skyler sa isang organisasyon. Kahit kapatid niya hindi niya pinagsabihan.

Buti na lang lumabas ang doktor. Mabilis silang sumunod dito patungo sa opisina nito.

Natahimik ang pagitan namin ng ilang segundo.

"I-I'm sorry..."-mahinang sambit ko at yumuko.

"Jami, wala kang kasalanan."-alo ni sam sakin pero umiling lang ako.

Tangina kase. Bakit ko ba kase hinayaan siyang makipaglaban kay hanzer?

Mabuti na lang at yung mga tauhan ni el jete na ang bahala sa mga gagong yun. Sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang mga yun lalo na si hanzer.

"Sam's right, jami. Besides it's skyler's decision."-malungkot na singit ni zack.

Paano nila nasasabi yan eh alam naman naming lahat na ako ang may kasalanan? P-paano kung....paano kung mapahamak siya? P-paano kung kuhanin din siya tulad ng kay vin? Baka hindi ko na kayanin pa.

Na trauma na ako sa ganung pangyayari tapos mauulit pa ngayon. Bakit ba ganito sakin ang tadhana? Kailangan pa bang ipamukha sakin ang nagawa kong kasalanan noon? Kailangan bang ulitin ngayon?

"P-pero kung hindi sana niya ako tinakpan, a-ako sana nakahiga dun, hindi siya."-naiinis akong napahilamos sa mukha ko.

"Jami, stop blaming yourself! You've done that once, huwag mo namang sisihin yang sarili mo sa pangalawang pagkakataon!"-sambit ni thara pero umiling lang ako.

Shit! Ang tanga ko talaga! Sobrang tanga ko! Ang tanga ko!

"Jami!"-sigaw nila ng mabilis na akong tumakbo paalis.

Gusto kong mapag isa. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil nagawa ko na naman. Kasalanan ko...kasalanan ko lahat.

Agad akong sumakay sa motor ko at mabilis na pinaharurot yun palayo. Pero natagpuan ko na lang ang sarili kong pauwi ng bahay. Mabilis kong pinarada ang motor ko sa garahe at dali dali'ng umakyat.

Hindi ko alam pero mabilis akong dinala ng paa ko sa kwarto ni jovan. Binuksan ko yun at nagulat pa siya ng makita ako.

"Jami..."

"J-jovan..."-naiiyak akong tumakbo sa kaniya at niyakap ito ng mahigpit.

Nanigas pa ito sa gulat pero kalauna'y ginantihan niya ako ng yakap. Minsan talaga pamilya ang takbuhan ko minsan kase sila din lang ang makakatulong sakin.

"Hey...why are you crying? "-nagtataka niyang tanong habang haplos ang buhok ko.

"Nagawa ko na naman ulit jovan...n-nandamay na naman ako. P-paano na lang kung may masamang nangyari sa kaniya? P-aano na lang kung namatay din siya? Hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari yun."-umiiyak kong bulong habang umiling iling.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon