{Chapter 16- Past}

1.2K 29 1
                                    


Jami's POV

"Hoy! Tara na!"-sigaw ko sa dalawa na nag aayos pa lang ng kanilang gamit. Ang tagal ng mga lintik. Nagugutom na ako

"Oo na. Heto na. Ang atat mo talaga noh! Sasabay pa tayo sa tatlo."-reklamo ni thara at saka nag inat pa.

Napatingin ako kila zack. Aish. Sasabay na naman ang mga to. Kaasar naman.

"Alam niyo, hindi na ata pakikipag kaibigan ang pakay ng tatlo sa inyong dalawa."-bulong ko ng makalapit ako sa gawi ng nila. Kumunot naman noo nila at napatingin sa tatlo.

Naglakad na kami palabas ng room samantalang nasa likod namin yung tatlo.

"Correction, sa ating tatlo. At anong hindi pakikipag kaibigan?"-taas kilay na tanong ni thara.

"Hindi ko sila kaibigan. Kayo lang at parang may gusto talaga sa inyo ang tatlong yan."-bulong ko at ininguso pa ang tatlo sa likuran.

"Tsk. Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, baka marinig ka nila. Tara na nga."-hinila na ako ng dalawa dahil sa kahihiyan na baka marinig nila ang sinasabi ko.

Nagkibit balikat na lang ako.

"Omg! Guys! Ang gwapo talaga nila!"

"Yiiieee! I love you skyler!!"

"Ang gwapo ni zack! Waaaah! Nakakatunaw siya!"

"Shit! Tinignan ako ni xier! Waaaahh!"

Sigawan at tilian ng mga babaeng nadadaanan namin. Dinig ko namang ang pagsinghal ng dalawa kong kasama.

Uy, may nagseselos.

"Huwag niyong sabihing may gusto na kayo sa kanila?"-seryoso kong tanong at tinuro pa sila ng bahagya.

"What? Hell no jami! Ano bang iniisip mo! Imbes na ang paghahanap sa nagsusubaybay sa atin ang asikasuhin mo, yan pang gusto-gusto! Tsk!"-pikon na bulyaw sa akin ni thara at inirapan pa ako.

Oo nga pala, hindi pala nila alam na itinigil na nila ang pagsubaybay nila at hindi nila alam na sina skyler ang mga yun.

Nak ng, nakalimutan kong sabihin.

"Tungkol dun."-natigil kami sa paglalakad at saka tinignan nila ako ng sabay. Natigil naman sila skyler malayo samin dahil dinumog sila ng mga studyante.

Tinaasan nila ako ng kilay.

"Nahanap ko na kung sino."

"What?!"-gulat nilang bulalas.

"Ah...nasabi ko na din ang totoo, kaya safe na tayo."

"And you didn't bother to tell us. Alam na ba nila kuya jeigh ito?"-taray ni thara.

Napalabi na lang ako.

"Di pa. At hindi na din importante kung sino ang mga yun, basta pakisabi na lang sa mga kuya niyo na safe na tayo."-saad ko at mukha naman silang nakahinga ng maluwag.

"Fine but please jami. Grupo tayo, kaya kailangan din naming malaman."-wika ni sam.

Tumango na lang ako. "Oo na, oo na. Tss. Gutom na ko."-saad ko saka sila hinila patungo sa pila.

Pagkatapos ng bumili, umupo kami sa medyo gitna kase dun lang ang bakante. Saka lang din naka alis sina skyler sa mga babae kaya nagtungo na sila sa pila.

Ibang klase din pala pag sikat ano.

Lahat talaga ng babae, napapatingin sa kanila ng malalagkit pero dahil sanay na ang mga ugok, di na lang nila pinapansin.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now