{Chapter 39-Baka}

515 14 4
                                    


Jami's POV

"Let's go."-maalumanay na bulong sakin ni skyler pagkatapos niya akong yakapin.

Marahan niyang hinawakan ang balikat ko at nilayo ng konti. Yumuko siya para makita ang mukha ko na ngayon ay puno na ng luha. Hindi ko na alam kung anong hitsura ko ngayon dahil sa make up kong suot. Paniguradong nasira na dahil sa pag iyak.

Bumuntong hininga siya pagkatapos ay inabot ang isa kong kamay. Hinila na niya ako sa kung saan at wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa kaniya.

Muli kong sinulyapan sina jovan. Pansin ko ang pagtataka sa kanilang mukha ng makita kaming dalawa ni skyler na umalis pero hindi na lang sila nagsalita.

Sila thara naman ay nag okay sign lang sila ng sumulyap din ako sa table nila.

Bumuntong hininga na lang ako at saka tinignan si skyler. Nasa unahan ko siya habang seryoso siyang naglalakad.

Ano kayang iniisip niya? Hindi kaya siya nainis dahil sa nangyaring gulo kanina?

Napayuko na lang ako dahil sa guilty na nararamdaman. Sana pala hindi na ako pumunta dito dahil ako ang gumulo sa party niya.

"S-skyler..."-nahihiyang tawag ko sa kaniyang pangalan.

Ang akala ko ay titigil siya at haharapin ako pero nanlumo ako ng dere-deretso lang ito sa paglalakad papasok ng mansion nila.

Napatingin ako sa kabuuan ng kanilang bahay. Bungad pa lang ay kapansin pansin na ang malaking chandelier sa taas. May kulay pulang carpet pa sa malinis na tiles ng mansion. Hanggang hagdan ang haba ng carpet at saka sa gitna ang hagdanan nila.

Malawak ang living room nila at sa gilid nito'y may mga pictures na nakasabit. Hindi ko na mailarawan ang ilang bahagi ng mansion nila dahil agad na niya akong hinila paakyat sa kanilang hagdan.

Nagtataka kong tinignan ang likuran niya.

"Skyler, hindi ka ba nila hahanapin dun?"-tanong ko na at sumulyap sa likuran namin na para bang may makakakita samin.

"Nope."-tipid lang niyang sagot ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Eh ano bang gagawin natin dito?"-taka kong tanong ng makadating kami sa taas.

Sumilip ako sa baba pero wala akong makitang katulong. Siguro busy silang lahat sa labas.

Hindi naman siya sumagot kaya napangiwi na lang ako at sumunod na lang sa kaniya. Wala naman akong choice dahil hila hila niya ang kamay ko at saka isa pa ayoko na ding bumalik dun. Sa gulong nangyari kanina? Ayoko na.

Pumasok kami sa isang kwarto at dun niya lang binitawan ang kamay ko. Madilim ang paligid kaya wala akong makita pero unti unti ding nagliwanag ng buksan ni skyler ang ilaw.

Tumambad sa akin ang isang malawak na kwarto. Color black at white lang ang kulay ng buong silid. May king size bed sa gitna, may sofa at lamesa malapit sa veranda. At may full glass na sliding door sa veranda. Sa kanang bahagi naman ng kama ay naroon ang walk-in closet at banyo.

Sa harapan ng kama ay may naka display na mga gitara at electric guitar.

"Welcome to my room."-wika niya at ngumisi habang pinagmamasdan akong suyudin ang buong kwarto.

"Kwarto mo talaga to?"-mangha kong tanong at marahang naglakad sa grey carpet ng kaniyang kwarto.

"Yup."-sagot niya na may kasamang pagtango.

Tinalikuran ko siya at nagtungo sa mga naka sabit niyang gitara. Iba't-iba yun pero namangha ako sa istilo nila. Sa baba ng nakasabit na gitara ay may mahabang lamesa kung saan may mga litrato ding naka display.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now