{Chapter 63-Confirmation}

141 4 1
                                    


Jami's POV

"Pinaghahanap na ng mga pulis si kellion."- imporma ni kristoff ng makaupo sa kaharap kong sofa.

Kasama ko ngayon ang black demon at sina skyler. Pagkatapos ng malaman ko na si kellion ang bumangga kay jeigh ay pinatawag ko silang lahat para sabihin yun.

Si jovan naman ay linikom lahat ng ebidensya na nakuha niya sa kaibigan at tinawagan si villafuente para maibigay yun.

Wala pang isang oras ng maibalita samin na kasalukuyan na nilang hinahanap si kellion. Wala naman kaming maibigay na impormasyon tungkol dito dahil hindi nasabi ni kellion kung saan siya titira.

At isa pa hindi pa din ako makapaniwala na siya ang may kagagawan nun.

Parang bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi ni hanzer. Naniwala ako nung una pero nuong kinompronta ko si kellion ay tinanggi niya. Sinabi niyang wala siyang alam at bilang kaibigan ay naniwala ako.

Akala ko nakita niya ang suspect pero yun pala siya ang gumawa. Ibig sabihin bang nagkamali ako ng pag-aakala? Ibig bang sabihin, tama si hanzer?

Pero bakit niya ginawa yun kay jeigh? Sa anong dahilan? Magkakaibigan kami eh. Walang sakitan samin.

Sa maraming taong pagsasama namin, minahal na namin ang isa't-isa. Para na kaming magkakapatid pero ano yun? Anong rason ni kellion para muntik na niyang patayin si jeigh?

"I think there's a misunderstanding here..."- napapailing na bulong ni gab habang nakayuko.

"That's not kellion. Hindi niya gagawin yun kay jeigh. Magkakaibigan tayo."- hindi naniniwalang dagdag niya.

Ang mga kasama ko ay nakatingin sa kaniya habang nasa iba ang paningin ko.

Pati ako gab. Hindi naniniwala...

"But the evidence are clear that it's him, gab. Siya ang nag drive nung kotse at siya ang bumangga kay jeigh."- segunda naman ni kristoff, nakaupo sa armrest ng single sofa.

Napapantastikuhang napatingin si gab dito. "So paniniwalaan mo agad? Paano kung na frame up siya? Paano kung hindi talaga siya yun? Do you actually believe that he can do that to his friend?"- napipikon na niyang wika.

Kalmado namang bumuntong hininga si kristoff.

Sa mahabang sofa ay nakaupo dun sina sam, thara, zack, xier at skyler na kaharap ko. Sa tabi ko ay si alexander at gab.

Sa gilid naman ay si kristoff.

"Kung wala nga siyang kasalanan bakit siya nagtatago?"- tanong naman nito na nakapag tahimik sa amin.

Tama siya. Bakit siya nagtatago kung wala siyang kasalanan?

"Hindi siya nagtatago kristoff. Bago pa lang na aksidente si jeigh ay umalis na siya. That explains it."- pagtanggol pa ni gab.

Kung sakali din ay ipagtatanggol ko si kellion sa ganung bintang lalo na't si jeigh ang pinaguusapan dito. Ang sama namang tignan kung paghinalaan namin siya dahil sa biglaang pag alis niya lamang.

Napasapo ako saking nuo dahil sa pagkalito. Hindi na alam ang nangyayari. Para akong manika dito na walang kilos habang tulala sa kawalan, hindi maproseso lahat ng pinag uusapan nila.

"Hintayin na lang natin ang mga pulis na magbigay ng impormasyon. Hindi naman nila agad ikukulong si kellion eh. They will get his statement first."- saad naman ni alexander na nakapag patigil sa batuhan ni gab at kristoff sa pag uusap.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now