{Chapter 37- Risk}

351 9 1
                                    


Jami's POV

Uwian ng maisipan kong kausapin si skyler. Kanina pa ako nag iisip kung anong sasabihin ko pero hanggang sa pag uwi, wala pa din akong naisip kaya bahala na. Ang gusto ko lang naman ay magkalinawan kami.

Yun lang naman dahil kanina pa ako nababahala sa katahimikan niya. Kanina pa nga ako dinasagi ni thara para senyasang kausapin si skyler pero kapag ginagawa ko, palagi naman siyang umaalis o di kaya'y magbusy-busyhan.

Sobra ko na ba siyang nasaktan para hindi man lang niya ako kausapin?

Sabi nanga ba at magkaka ganito at magkaka ganito kami eh. Kaya nga nagdadalawang isip ako nuon na tanggapin siya dahil alam kong masasaktan ko siya kahit anong pilit kong hindi.

"C'mon jami. Talk to him."-bulong sakin ni thara habang patuloy sa pagliligpit ng kaniyang mga gamit sa kaniyang bag.

Napahinga na lang ako ng malalim at tumango bilang tugon. Bitbit ang bag ng tumayo ako at akmang pupuntahan siya ng mabilis itong tumayo at lumabas ng room.

"Nagmamadali ba yun?"-takang tanong ni xier habang nakatingin sa pintong pinaglabasan niya.

"Just shut you're mouth, xier."-bulong naman ni zack sa kaniya.

Kumunot ang noo ni xier at napatingin sakin tapos bumaling ulit sa pintong pinaglabasan ni skyler.

"LQ?"-pabulong niyang tanong kina thara pero dinig na dinig ko naman.

Nagkibit balikat naman si thara samantalang sinenyasan naman ako ni sam na sundan si skyler.

Napangiwi na lang ako sa isiping yun. Halata namang iniiwasan niya ako. Bakit mag aabala pa akong habulin siya? Kung ayaw niya talaga akong kausap ngayon, sige hahayaan ko siya. Ayaw ko namang ipilit tong sarili ko sa kaniya. Baka mas lalo pa niya akong iwasan.

Sumimangot si sam ng mapagtantong hindi ko na siya susundan. Tumayo ito at saka lumapit sakin.

"Bukas ko na lang siya kakausapin."-saad ko pero lalong nagsalubong ang kilay niya.

"No. You'll talk to him. Now."-ma awtoridad nitong pahayag at hinila ako palabas ng classroom.

"Kaya mo yan!"-pahabol pa ni thara.

"So, LQ nga sila?"-pakinig ko pang tanong ulit ni xier.

Napailing na lang ako at napabuntong hininga ng makalabas na kaming dalawa. Padabog niya akong binitawan at nagpamewang sa harapan ko.

"You're really stupid in understanding somebody's feeling."-wika nito at umirap pa sakin. "Huwag ka ng magpalipas ng isang araw na hindi kayo nagkaka ayos, okay? Dapat magkabati na kayo ngayon din, jami! Kung desidido ka talaga sa kaniya you should work it by now!"-singhal niya sakin at pinalakpak pa ang dalawang kamay niya na para bang magmadali ako.

"Eh pano kung iwasan lang niya ako at iwanan? At saka isa pa sam, kailangan ko munang maghanda para sa mga sasabihin ko sa kaniya----"

"Stop right there, bitch."-naputol ang sasabihin ko ng sumulpot si thara sa likuran ni sam. "Anong gagawin mo kapag iniwasan ka niya? Easy. Sumigaw ka ng malakas at bantahan siya para hindi ka niya maiiwasan! Wala pa siyang choice kundi kausapin siya dahil mahihiya siya sa mga taong nakapaligid sa inyo! And then voila! Hindi mo napapansin naghahalikan este nag uusap na kayo!"-ngumisi pa siya sakin sabay hawi sa kaniyang buhok.

"Seryoso ka? Paano naman kung hindi niya pa din ako papansinin?"-tanong ko.

"Easy peasy boy."-biglang sumulpot sa likuran ni thara si xier. Nagulat naman ako. "Kung ayaw pa din edi magwala ka dun habang sinisigaw ang pangalan niya at dahil kilala naman ang kumag dito sa buong school, paniguradong mapapatingin sa kaniya ang lahat at mahihiya siya kaya wala siyang choice kundi hilahin ka niya paalis dun and boom! Nag uusap na pala kayo!"-ngumisi pa sakin si xier ng matapos niyang ipaliwanag yun.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now