{Chapter 46- First Love}

248 11 1
                                    


Skyler's POV

"Are you sure about this, son?"- dad asked while watching me packed my things.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto ko at nagpresinta na si daddy na tumulong saking pag e-empake para sa bakasyon ko.

Actually, kanina pa siya tanong ng tanong sakin. Hindi ko alam kung nag aalala ba lang siya o hindi lang siya makapaniwalang magbabakasyon ako ng mag-isa lang ako.

Honestly ngayon ko lang sinubukang magbakasyon ng mag isa. Yung walang kasama kundi ako lang.

Hindi ko nga alam kung bakit naisip ko yun.

Maybe because I wanted to try something...

Or maybe....

I wanted to forget.

Hindi ko maipagkakailang nasaktan ako ng sobra sa ginawa ni jami.

It breaks my heart hearing what she said back then. I wanted to run away from pain, I wanted to fix things...to fix myself.

I just can't blame her for turning me down. I can't blame her for expecting that she will say yes.

But it hurts...

Nasaktan din ako.

Umasa kase akong sasagutin niya ako. Binigyan niya ako ng pag asa dahil sa sinabi niyang gusto din niya ako.

Pero hanggang dun lang pala.

Iba pala ang 'gusto' sa 'mahal'. Dahil sa sobrang lunod ko na sa kaniya, nakalimutan ko na ang bagay na yun.

Na kahit kailan ay hindi niya ako magagawang mahalin dahil iba ang nasa puso niya.

I sighed and stare at dad whose busy folding my clothes.

"I just want to experience something new dad."- I explained and decided to help him with my clothes.

Napatango tango naman ito bago bumuntong hininga.

"Ang bilis niyo talagang lumaki."- nakangiting saad niya habang tutok pa din sa pagtitiklop ng damit ko. "Noon, laro lang ang inaatupag niyo. Naalala ko pa ngang palagi kayong nag aaway ng ate mo pero sa huli nagkaka ayos din kayo dahil ayaw niyong mapagalitan sa mommy niyo."- tawa nito sabay lagay ng mga damit ko sa maleta.

Pagkatapos nun ay hinarap niya ako at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Ngayong malaki na kayo, wala na kaming po-problemahin ng mommy mo dahil may sari-sarili na kayong dedisyon ni skylein. But sometimes son, huwag mo ding sarilihin ang problema. You have us, nandito kami para sayo at ni skylein."- mahabang paliwanag niya at ngumiti ng marahan.

Tumango naman ako at ngumiti. "I know dad."

**
"Make sure to come back before New year huh?"- sambit ni mommy habang naglalakad kami papasok ng airport.

Talagang sumama pa silang lahat para ihatid ako. Parang naman magtatagal ako dun.

I just want to spend Christmas in Palawan and make sure to come home before New year. Syempre gusto ko silang makasama bago mag bagong taon at saka isa pa, wala akong balak na magtagal dun.

Gusto ko lang mag relax dahil yun ang hanap ko ngayon. Gusto ko munang lumayo sa realidad.

"Of course mom. And besides 1 week lang naman ako dun."- tugon ko habang nakatingin sa kaniya.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang