{Chapter 26- Last First kiss}

1.2K 23 1
                                    

Jami's POV

"Gago ka talaga! Bitawan mo ko!"-malakas akong nagpumiglas sa hawak niya kaso ang ugok hinila hila na niya ako papasok ng EK!

Putangina! Sa lahat ba naman ng pupuntahan namin dito pa?! Isip bata ba ang kumag na to? O gusto niyang makatikim ng totoong sapak? Tangna, dinamay pa ako sa ka-abnormalan niya! Argh! Kaasar!

"Hay naku sungit, ang dami mong arte! Pasalamat ka nga ni-libre kita."-sulyap niya sakin habang hila hila ang isang kamay ko samantalang yung isa niyang kamay ay nakapamulsa pa.

Nakauniform pa din ang gago at ako naman ay nakacivilian lang. Eh ayoko sa uniform namin.

"Kahit di mo ako ilibre! Aish! Ano ba kaseng gagawin naten dito?"-inis akong napakamot sa buhok ko.

"Ikaw, gusto mong sumayaw dito? Malamang, sasakay! Tanga neto!"-ismid niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Di naman niya yun pinansin dahil hinila niya ako patungo kung saan.

"Pucha."-tulalang mura ko ng pumila kami sa space shuttle.

Yung totoo? Gusto na ba niyang magpakamatay? Bakit ako pa dinamay?

"Oh, subukan mong back out sasabihin ko sa buong school na dine-date mo ko."-ngisi pa niya.

Pinakyuhan ko nga siya sa sobrang inis. Dalawa pang kamay. Kung pwede na din yung paa ko baka ginawa ko na. Tangina niya. Tanggapin niya ang pakyu ko.

"Hoy bad yan."-natatawa niyang sambit.

Inirapan ko lang siya at muling napatingin sa mga taong excited makipila.

Ano bang nakaka excited sa pagsakay niyan? Eh halos matanggal ang kaluluwa mo diyan sa pagsakay eh.

"Nga pala, bigay mo sakin cellphone mo."-utos niya sabay lahad ng kamay sa harap ko.

Taka ko siyang nginiwian.

"Bakit naman?"-humalukipkip ako.

Ngumisi naman siya.

"Para may remembrance tayo. We'll make new memories, a happy one. Para matabunan ang masasakit na ala-ala mo sa kaniya."-ngiti niya at saka ako sinenyasan na ibigay na sa kaniya ang cellphone ko. Ngumuso pa ito.

Kaso natulala ako bigla. Handa na ba talaga akong kalimutan siya? Pero pano kung maaalala at maaalala ko pa din siya? Tama bang tabunan ko ang ala-ala'ng mayron kami?

Natauhan lang ako ng hawakan ni skyler ang balikat ko para iharap sa kaniya. Tumingala ako kase matangkad siya.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at saka pinangiti.

"Diba sabi ko sayo ako lang ang isipin mo?"-seryoso niyang tanong.

Biglang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Bakit ganito? Bakit sa kaniya ko to nararamdaman?

Napalunok ako bigla. Kinakabahan ata ako.

"Kaya ngumiti ka na diyan. Sisiguraduhin kong pagkatapos nito, unti-unti mo na siyang makakalimutan."-sambit niya at saka ngumiti.

Yung tipong hindi na kita ang mata niya. Ang cute niya kapag ganun siya ngumiti.

"Oh ayan."-saad ko at saka binigay sa kaniya ang cellphone ko.

Bigla kase ako nailang. Di ko alam kung bakit. Di naman siya ganito kaseryoso dati ah.

Lalo itong napangisi at saka kinalikot yun.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now