{Chapter 10- The plan}

1.4K 36 2
                                    

Jami's POV

"Kamusta na lein?"-tanong ni hanzer at tumayo pa siya ng bahagya.

Sumipsip siya sa kanyang sigarilyo at tinapon sa kung saan. Agad naman pumunta sa harapan namin sina zack. Tila na alerto ang mga to.

"Nobyo niyo na ba ang mga ito?"-turo niya kina zack na nasa harapan namin at saka natawa.

Napabuntong hininga na lang ako. Anong ginagawa ng kumag na ito dito? Napatingin ako sa paligid, mahirap na at baka may kasama pa siyang iba bukod sa apat niyang kasamang nasa likod niya. Pero buti na lang, wala akong napansin.

"Anong ginagawa mo dito hanzer?"-tanong ni sam sa halip na sagutin niya ang tanong ni hanzer.

"Bakit? Hindi na ba pwedeng dalawin ko kayo?"-nakangising tanong niya at humalukipkip.

Naasiwa talaga ako sa ngisi ng lalakeng to. Wala lang, parang si satanas lang eh.

"Dalawin sa gabi?"-sarkastikong bulalas ni thara na nakataas pa ang kilay.

"You know, you haven't changed a little bit."-iiling na sabi ni hanzer at saka napabuntong hininga. Parehong tahimik lang ang kasama niya at nasa harapan lang namin ang tatlo at walang ginagawang kilos.

"Bakit naman kami magbabago hanzer? Ikaw lang ang nagbago dito."-sarkastikong lait ni thara kay hanzer.

Napawi naman ang kanyang ngisi. At lumamig ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Nagpamulsa ito at seryosong tumitig sakin.

"Kamusta na pala si alvin, lein?!"-tanong niya sa akin.

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Ano na namang kalokohan ang gagawin niya. Ang tinutukoy niyang alvin ay si jeigh. Lein naman ako dahil yun ang code name namin sa EUA.

Hindi pwedeng totoong pangalan ang ginagamit naming code name. Ang may ari ng EUA ay ang mga magulang ni hanzer. Kasali din si hanzer at ang grupo niya sa labanan. Magkakaibigan ang mga gang namin noon pero nagalit siya sa amin dahil natalo namin sila sa laban. Hindi niya mapigilang magselos sa amin noon dahil kapag may laban kami, ang gang namin ang palaging nananalo.

Tss. Seloso ang kumag na to eh. Ang sarap lang sapakin.

"Okay naman siya."-pormal kong sagot at tinanguan siya. Bigla atang nawala ang antok ko eh.

Tumango tango siya at tinignan niya ako. Galit at selos pa din ang nakikita ko sa kanyang mata. Matagal na panahon na yun pero, galit parin siya sa amin. Tsk!

Di na lang mag move on ano? Uso naman yun diba?

"Sa tingin mo, pwede na bang pahirapan namin siya ngayon....ulit?"-seryosong tanong niya at biglang ngumisi. Napakuyom ang palad ko para pigilan ang inis na nararamdaman ko.

Tangina niya.

Ng dahil sa galit niya samin binugbog nila si jeigh ng walang kalaban laban. Mag isa pa siya noon. At buti na lang may nakakita sa kanila. Halos magwala kami nina kristoff dahil sa ginawa ng gagong ito. Pano kung namatay siya Sa tingin ko hindi namin kaya yun lalo na ako. Huli na naming nalaman na pumunta na siya sa ibang bansa at ngayon, dumating na naman ang loko.

Ang hirap kaya ng dinanas ng kapatid ko sa kamay ng ugok na to. Ang kapal ng mukha ng ugok para magpakita samin ngayon. Gago siya.

"Subukan mo lang hanzer. Subukan mo lang."-madiin kong aniya at tinignan siya ng masama. Lalo siyang napangisi.

"Titignan ko."-aniya at nagkibit balikat.

Gusto ko na siyang suntukin sa mukha pero may kasama kami ngayon. Wala silang kamalay-malay sa mga ganitong pangyayari. Kaya lintik ang pagpipigil ko sa aking sarili. "Pwede ba tayong magusap."- aniya at napawi na ang kanyang ngisi.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin