{Chapter 56- Apart}

183 13 0
                                    


Jami's POV

Kinaumagahan ay nagsalo-salo kami ng walang imikan. Hindi ako sanay sa ganito. Kung nuon, okay lang naman sakin kahit mag isa ako at tahimik pero ngayon parang may kulang.

"Have a vacation jovan."- panimula ni tanda sa gitna ng hapagkainan.

Lahat kami ay umangat ng tingin sa kaniya. Nagtataka, naguguluhan.

"W-what?"- medyo paos pang tanong ngunit nandun ang lamig.

Ni hindi man lang nag abala si jeigh at jovan na magtinginan. Kung mangyayari man yun ay iiwas sila agad.

Nagpatuloy si jeigh sa pag kain, tila walang pake sa narinig.

"You heard me right."- tsaka lang lumingon si tanda kay jovan.

Nangunot naman ang nuo nito.

"Call your friends and ask them if they have any rest house. I will give you a one month leave."- seryoso nitong paliwanag bago muling nagpatuloy sa pag kain.

Ako naman ay nawalan ng gana. Sa isiping malalayo samin si jovan na may hinanakit pa din ay nalulungkot ako.

Pero sa kabilang banda ay okay na din yun para naman kahit papano makapag pahinga siya. Araw-araw siyang nagta-trabaho at kailanma'y hindi nag leave at umabsent kaya suportado ako sa desisyon ni tanda ngayon.

"Why?"- tipid na tanong ni jovan.

Binaba niya ang kaniyang hawak na kubyertos at linapag ang kamay sa lamesa. Tumitig ito kay tanda, tila nagtatanong at nanunuri.

Kumibit balikat si tanda. Pagkatapos ay sumimsim sa kaniyang kape.

"Pack your things. There will be chopper that will fetch you in the rooftop of the building."- tungkol nito sa kompanya.

Bagamat nagtatanong pa din ang tingin nito'y walang nagawa si jovan. Napabuntong hininga siya at saka tumayo na para magtungo sa kaniyang kwarto.

Ilang segundo din lang ay tumayo na din si jeigh at walang emosyon na umalis.

Napapailing ko siyang tinignan.

Hayst. Sana lang talaga ay magkabati na sila. Ayoko pa naman silang nakikita na hindi nagpapansinan.

"Are you not going to finish your breakfast?"- kunot nuong tanong ni tanda ng tumayo na ako.

"Wala akong gana."- napapabuntong hiningang sagot ko atsaka umalis na.

Hindi naman na ito sumagot at nagkibit balikat na lamang.

**

Nagising ako ng may maramdaman akong humahaplos saking buhok. Agad akong nagmulat at bumungad sakin si skyler.

Gulat akong napa atras. "Anong ginagawa mo dito?"- takang tanong ko.

Tinignan ko siya ng mabuti. Medyo pumayat ito ngunit kahit ganun ay gwapo pa din siya. Naka short lang ito at t-shirt. Medyo magulo din ang buhok at parang hindi pa natutulog.

"Gusto lang kitang makita."- mahina nitong sagot at umayos ng upo sa kama ko.

Napabuntong hininga ako ng mapagmasdan siya. "Okay ka lang?"- tanong ko ng may pag alala.

Agad akong lumapit sa kaniya at naupo sa tabi niya. Kinuha ko ang kamay niya at pinagsalikop ang amin.

Bumaba ang paningin niya sakin kaya nagtama ang mga mata namin. "Nagpaalam ako kay manang na pumasok dito. Siya nga pala, wala ang mga kapatid mo?"- tanong nito. Ang mga mata niya ay pupungay pungay pa.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now