{Epilogue}

433 16 4
                                    


5 years later,

"Let me slice it."- suhestiyon ni thara ng makitang linabas ko ang cake sa ref.

Agad kong linapag yun sa counter top at inabot sa kaniya ang kustsilyo.

Si sam naman ay kasalukuyang gumagawa ng sandwich. Sa sala ay naduon ang mga anak namin kasama ang mga tatay nila. Hindi naman kase nagpasabi ang dalawang to na bibisita sila dito. Tuloy ay gumagawa pa din ako ng meryenda nila. Mabuti't naisipan nilang tumulong.

"Kailan ka ba manganganak?"- tanong ko kay thara habang kumukuha ng plato.

Napansin ko naman ang paghawak nito sa tiyan niyang malaki na ang umbok. Pangalawa na nilang anak yan ni xier. Makalipas ang ilang buwang pagpapakasal namin ni skyler ay sumunod sila pagkatapos ay sila sam.

Magkakasing edad nga ang mga anak namin at puro sila lalake. Hinihiling na nga lang sana ni thara na maging babae ang susunod nilang anak ni xier.

"2 months from now. Matagal pa."- sagot niya habang nakangiti.

Nang makakuha ako ng mga plato ay muli akong lumapit sa kaniya at linapag duon ang mga plato.

Inabot ko ang mga tinidor sa gilid at linagay sa plato.

"Kayo ba? Kailan niyo balak sundan ang mga panganay niyo?"- natatawang tanong ni thara.

"Not for now."- sagot naman ni sam.

Kumibit balikat naman ako. "Hindi ko alam."- hindi siguradong tugon ko.

Muli akong nagtungo sa ref at kinuha duon ang isang pitchel na may lamang juice.

Nang matapos sila sam at thara sa paghahanda ay sabay na kaming nagtungo sa sala ng bahay namin.

Nakita ko agad ang anak ko at ang mga anak nila thara at sam sa sahig na naglalaro ng baril-barilan.

Samantala nakaupo naman sa sofa sila skyler habang nag uusap.

"Nandito na ang meryenda."- anunsyo ni thara atsaka linapag sa side table ang cake na ini-slice niya. Sabay naman naming linapag ni sam ang dala namin.

Agad ko silang niyaya na mag meryenda muna habang nag uusap-usap sila. Lumapit ako sa tatlong batang naglalaro sa gilid at yumuko.

"Kids, mag meryenda muna kayo."- sabi ko habang liniligpit ang ilang kalat nila.

"Yehey! I love cake!"- sigaw ni xavier na anak nila thara. Sa kanilang tatlo, siya ang pinakamatakaw at pinakamataba.

Hindi na talaga ako magtataka kung kanino ito nagmana. Gwapo siya at mestizo. Namana niya ang mata at labi ni thara ngunit kay xier na ang lahat. Halos lumabas na ang malaking tiyan nito sa damit niya dahil sa sobrang chubby niya.

"Cake will make you fat again."- napapairap namang tugon ni zion. Ang panganay na anak din nila sam. Namana niya talaga ang katalinuhan ng mga magulang niya. Wala siyang nakuha kay sam dahil lahat ng parte sa mukha niya ay naka'y zack. Mataba din siya ngunit di gaya kay xavier na sobrang taba. Mestizo din, yun nga lang masungit siya.

"Your just jealous because I'm fatter than you!"- bumelat pa si xavier atsaka dali-daling nagtungo sa kaniyang ina.

"Tsk."- napapailing na lamang si zion habang walang ganang lumapit din sa kaniyang ina.

Nawala lang ang atensyon ko sa kanila ng may tumama na arrow sa kamay ko.

"Oops..."- sambit ng anak ko habang nakangisi.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now