{Chapter 68-Past}

176 7 1
                                    


Jami's POV

Nang makauwi ako ay agad na akong pumasok sa kwarto para magpalit ng damit.

Gusto kong silipin si jeigh sa kwarto niya at malaman kung nakakain na ba siya at nakainom ng gamot.

Alas singko palang naman kaya kanina pa siguro siya nagmeryenda.

Habang naglalakad ay napatingin ako sa pinakadulong kwarto. Matagal na akong hindi nakakapunta duon dahil wala naman na sina mommy at daddy.

Duon ang kwarto nila at tandang-tanda ko pa na palagi kaming natutulog duon lahat kapag gabi. Malawak naman ang kama nila kaya kasyang-kasya kaming lima duon.

Sobrang saya talaga namin nuon. Habang kasama ko si mommy at daddy ay pakiramdam ko kompleto kaming lahat at kontento sa isa't-isa.

Pero simula nung mawala sila parang sa isang iglap nakuha samin ang kasiyahan namin. Parang sa isang pitik lang, bigla silang nawala.

Simula nuon hindi na ako pumapasok sa kwarto nila dahil masakit para sakin. Masakit na bumalik sa ala-ala mo ang mga pangyayaring kasama ko pa sila at masaya kaming pamilya pero ngayon ay wala na.

Bumuntong hininga ako at marahang nagtungo duon.

Kahit na wala ng natutulog dito ay linilinis pa din ni manang ang kwarto na to.

Napatitig ako sa seradura saglit bago binuksan yun ng mabagal.

Malakas ang kalabog ng dibdib ko ngunit sinawalang bahala ko yun.

Parang may nag-uudyok sakin na pumasok at pagmasdan muli ang naging silid ng mga magulang ko.

Agad kong binuksan ang ilaw dahilan kung bakit naging malinaw ang aking paningin sa buong kwarto.

Sinarado ko ang pintuan at pinagmasdan ang buong paligid. Simple lang ang kwarto nila mommy. May veranda sa gilid, may lamesa at sofa sa gilid, master bedroom, walk in closet at banyo.

Mayron ding cabinet na kasing tangkad ko lang tapos katabi nito ay vanity mirror.

Naglakad ako palapit sa cabinet at pinagmasdan ang mga album na nakasalansan duon.

Naalala ko pa nuon na kapag natutulog kami nina jeigh dito ay pinapakita samin ni mommy ang mga litrato namin nuong mga baby pa kami. Kung minsan ay mga litrati nila ni daddy nuong mga kabataan pa sila.

Pinasadahan ko ang daliri ko sa mga albums at natigil yun sa pinakagilid. Hindi yun album bagkus isang litrato. Parang nakalimutan na ilagay sa album o sinadyang iwan dito.

Nangunot ang nuo ko at marahang kinuha yun. Luma na ang litrato at hindi ko alam kung sinong kumuha.

Ng tignan ko ang nasa litrato ay napansin ko agad si mommy duon. Hanggang balikat pa lamang ang buhok niya at kapansin-pansin na talaga ang pagka mestiza niya.

Nakasuot ito ng kulay pulang dress at nakahawak ito sa tiyan niyang medyo maumbok na.

Katabi nito ang isang matangkad na lalake. Hindi si daddy yun ngunit pakiramdam ko,

T-teka...

Napakurap kurap at mas pinagmasdan ang mukha nung lalake. P-pamilyar siya saken...

Hindi kaya....

Bumilis ang kabog ng dibdib ko at tila hindi ako makahinga. Napahawak ako sa dibdib ko habang may nanlalaking mata.

**

"Bakit kasama niya ang lalakeng yan?"- tanong ko kay tanda ng makita itong nasa sala kasama si jeigh at jovan.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now