{Chapter 14- Secrets}

1.3K 33 0
                                    


Skyler's POV

Pagkatapos kong kumain at maligo, agad ko nang hinatid si skylein sa bahay nila jeigh. Mga alas jis na kami umalis. Dahil hindi naman ako makakalimutin, alam ko ang daan at village ng kanilang bahay. Pumunta na kami sa party nila noon eh.

Napapamura nga ako sa pabango ni skylein, dahil parang pinanligo na niya ata sa kanyang katawan. Para lang naman pupunta siya sa bahay nila jeigh, kala mo kung party ang pinuntahan!

Todo pa siya ng tanong kung maganda na ba siya, okay lang ba ang make up niya. Bagay ba sa kanya ang damit niya. Halos gusto ko na siyang sipain palabas ng kotse ko dahil tanong ng tanong. Naririndi ako sa bunganga niya eh.

Buti na lang hindi gaano traffic at pinapasok agad kami ng guard sa village nila kaya hindi ako nagkanda letse-letse. Kapag nagkataon pagko-commutin ko na siya sa inis.

Nang istorbo pa kase eh.

"Bumaba ka muna."-utos niya sa akin. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. The hell?

Kung makautos parang pinapasweldo niya ako eh!

"Why would I?"-pikon kong tanong.

"I just want you to meet them."-aniya habang tinitignan ang mukha sa salamin niya.

"Kilala na nila ako."-naiinip kong saad.

"Si jami. Ipapakilala kita sa kapatid niya."-nagulat ako sa sinabi niya. Hindi niya pala alam na magkaklase kami. Tsk.

Aish. Ayoko pa naman makita yun ngayon. Bakit? Wala lang, tss. Ang sungit nun eh.

"Kilala niya ako. Magkaklase kami."

"Talaga? Bakit hindi ko alam? Oh sige, ipapakita na lang kita kay jeigh at pwede ka nang makaalis."-aniya at bumaba na ng kotse ko.

"What the fvk?!"-mura ko na lang at padabog na bumaba sa kotse ko.

Kailangan pa ba ito?! Gusto kong magsususuntok sa ginagawa ng kapatid ko eh. Kala mo kung sinong boss.

"Tara na! Ang tagal mo!"-bulyaw niya at hinila na ako. Halos magsalubong na ang kilay ko sa sobrang pagka pikon sa kanya.

At may gana pang bulyawan ako. Nice.

Hindi nagtagal pinagbuksan kami ng isang maid. Medyo matanda na at mas maliit pa kaysa sakin.

"Nandito po ba si jeigh manang?"-tanong ni skylein at sinilip pa ang likod ng matanda. Halos magkasing edad sila ni manang na katulong namin.

"Nandito nga siya hija. Pumasok kayo at tatawagin ko siya."-nakangiting sagot niya at pinagbuksan kami ng gate. Agad naman kaming pumasok at sumunod sa matanda.

"Pumunta ka na ba dito noon? Maliban noong party?"-bulong na tanong ko sakanya.

"Yup. Noong nag date kami kaso hindi na ako nakapunta sa loob ng bahay nila."-sagot niya.

Tumango na lang ako at nagpamulsang sumunod sa kanila.

Kung titignang mabuti, malaki talaga tong mansion nila. Halatang mayaman.

"Umupo muna kayo dito at tatawagin ko si jeigh sa taas."-aniya at pinaupo kami sa mahabang sofa.

Ito pa lang ang kauna-unahang pasok ko dito sa bahay nila. Maganda naman tas malawak, halos lahat ata ng gamit dito ay pang mayaman. Pati ang pader, walang hinahayang kahit alikabok na dumapo sa sobrang puti nito. May red carpet na nakalatag na sa sahig pagkapasok pa lang namin papunta sa hagdan nila.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora