{Chapter 9- Party}

1.4K 38 1
                                    

Jami's POV

Nandito kami ngayon sa bahay nila thara. Dito na rin kami nagtanghalian. May dala na akong damit ko para sa acquaintance party para sa susuotin ko. Pinipilit nila akong magdress pero palagi ko lang silang tinatanggihan.

Ayoko nga! Mamamatay muna ako! Ang pinaka ayoko ang magsuot ng dress. Basta, naaasiwa ako. Ganyan talaga pag lumaki kang puro lalake ang kasama mo. Tss.

"Oh yan! Tapos ka na sam! You're so beautiful! "-namamanghang papuri ni thania.

Ang ginawa pa lang ni thania ay minek-upan niya ang dalawa at tinirintas ang kanilang buhok. Dahil sa kakanta muna sila nag jeans muna sila at t-shirt na red. Hindi naman valentines ngayon ah! Ewan ko ba sa mga to. Ang daming arte.

Pag tapos na daw sila kumanta tsaka na sila magpapalit ng dress. Ako? Naka jeans, pure black v-neck t-shirt, jacket na brown at naka rubber shoes. Parang tatambay lang ang lintik! Pero okay na din sakin to, mas komportable ako eh.

Hindi ako nagpa-make up kay thania at nagpatirintas dahil ayoko. Pawang nakatali lang ang mahaba kong buhok. Ayoko ang may arte sa katawan, hindi ako komportable.

"Tara na."-yaya ni thara at sumakay na sila sa kanilang kotse.

Dala ko na kasi ang motor ko at sinuot ko na ang helmet ko. Binusinahan ko na lang si thania na nasa gate at kumakaway pa.

Ako ang nauna sa daan. Buti na lang walang traffic kaya hindi kami nalate sa pagpunta sa party. Pagkapasok pa lang namin, marami ng tao. May nagpapatugtog na dj. May dalawa namang ilaw sa stage na gumaglaw. Nakakahilo!

Lahat ng babae nakadress. Ang lalake naman ay naka pormal. Kami ata naiiba! Para kaming mangangaroling eh. Tss.

"Punta muna kami sa backstage jami."-paalam nung dalawa at umalis na.

Sabi na nga ba! Tutunganga lang gagawin ko dito eh! Nakaka asar lang.

Nilibot ko ang aking mata. Lahat sila kasama ang kanilang partner. May nagtatawanan at naghaharutan. Tangina! Para lang akong tambay at nanonood lang.

Pagkatapos ng ilang oras hindi na bumalik pa ang dalawa. Mas dumami pa ang mga tao. Ako naman kain lang ng kain dito sa lamesa. At ako lang ang nagiisa. Pake ba nila? Nagugutom ako eh.

Natigilan kaming lahat ng magsalita ang announcer sa stage. Kung di ako nagkakamali siya ang President ng student council.

"Excited na ba kayo sa magaganap ngayong gabi?"- tanong nung announcer na bakla at saka kumembot kembot pa sa harapan.

Pucha! Mailalabas ko ata lahat ng nakain ko eh.

"Yeeees!! Wuhoooo! Nakaka excite!"-sigawan ng mga tao dahilan para mag ingay ang buong paligid.

"Ready'ng ready talaga kayo mga bes! Aba! Matagal na nating hinihintay ang ganapang ito dahil may ma blah, blah, blah!"-agad kong tinakpan ang tenga ko sa sobrang ingay.

Hindi ko na inabala pang dinggin ang mga sinasabi ng bakla. Kitang kita ko namang natatawa ang mga tao at excited na excited sila. Pucha! Sana tinakasan ko na ang dalawa. Anong namang gagawin ko dito? Manood ng mga tao! Napahilot na lang ako sa sentido ko.

Sumasakit ulo ko sa kaingayan nila. Hindi naman sa kj pero hindi talaga ako sanay sa mga ganito eh.

"Pero bago ang sweet dance at kilig moments magparty muna tayo! Ano mga bakla? Keri bells ba? Itaas ang paa, charot!"-malakas na sigaw nung bakla.

"Hahaha!"

"Waaaaaah! OMG!"

"Gusto ko yan!"

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now