{Chapter 11- Truth}

1.3K 30 0
                                    

Jami's POV

"Oh bakit hindi kana bumalik kanina?"-takang tanong ni sam sakin ng mabungaran nila ako sa loob ng room.

Kakatapos lang nilang kumain eh hindi na ako bumalik duon kase, nagiisip lang ako kung paano ko sisimulan tong plano ko. Hindi pa naman ako siguradong sila eh pero may hunch ako. Tanginang hunch na yan, nakakagago.

"Wala na akong gana."-tipid kong sagot at saka sumandal sa upuan ko.

Naupo na sina skyler sa likuran namin kaso hindi ko na sila pinansin pa.

Sinapo naman ni thara ang noo at leeg ko kaya kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Wala ka namang sakit ah?"-kunot noong tanong niya.

Napangiwi ako at inirapan siya. Kung wala na akong gana, may sakit na agad? Oa nito, tss.

"Bakit? Anong nangyari?"-sabat naman ni zack. Nangunot noo ko lalo.

Hello? Pader ho kuya, tss.

"Ayos lang sabi ako. Wala lang akong gana"-iritadong sigaw kina thara at napabuntong hininga na lang.

Aish. Magulo muna isip ko kaya wala talaga ako sa mood ngayon. Baka masapak ko pa sila eh.

"Bakit ka sumisigaw?"-nagtatakang tanong ni sam.

"Tsk. Naiinis ako sam. Kaya huwag niyo muna akong kausapin."-matabang kong aniya at umiwas ng tingin. Halos lahat kasi silang lima nakatingin sa akin. Tangina! Bahala na kung hindi ako makapag pigil.

"Sige."-tipid nilang aniya at hindi na ako pinansin.

Nakasimangot lang ako buong magdamag, kahit na may klase kame, lutang talaga ako buti na lang at hindi ako napagtripan nung lect namin baka siya pa masapak ko-.-

Pagkatapos ng klase kasama na naman namin ang tatlong ito.

Yung totoo? Kailangan pa bang samahan nila ulit kami?

May hinala na talaga ako na kaya ginagawa nila ito, dahil may kailangan silang malaman samin.

"Kami naman ngayon ang oorder."-sabi ni thara ng nakaupo kami.

"Samahan na kita."-sabi naman ni sam at pumunta na sila sa pila.

Ako lang ang natira at ang tatlong kumag. Tinignan ko sila isa isa at saka sumandal ako sa upuan ko at humalikipkip.

"Nabalitaan kong nagkakamabutihan na si jeigh at ang ate mo ah?"-panimula ko habang nakatingin kay skyler.

Bumaling naman to sakin dahilan para magtama ang mata namin. Kumibot saglit ang labi niya at saka prenteng nagpandekwatro.

"Uh, yeah. I heard it too."-kibit balikat niyang sagot.

Tss. Arte naman nito. Kausapin ko lang eh ang tipid pa.

"Ano nga bang pinagkaka abalahan ng kuya mo bukod sa pagaaral?"-biglang tanong ni xier na nakapagpangisi sa akin. Sabi na nga ba.

"Bakit siya ang tinatanong mo imbes na ako na kaharap mo?"-sarkastiko kong aniya at nginisihan siya.

Halos magulat silang mapatingin sa akin. Hahaha. Cat got tongue ang mga kingina.

"A-ah syempre m-malapit kami sa a-ate ni skyler. Kinikilala lang n-namin ang kuya mo."-naiilang niyang palusot at napaiwas ng tingin.

Tss. Palusot mo.

"Hmmm...may gang si jeigh."-tipid kong sagot. Sabay naman silang napatingin sa akin, na para bang tama ang hinala nila sa lintik!

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now