{Chapter 42- Meeting his Parent 2}

339 13 3
                                    

Jami's POV

"So, you're the grand daughter of Mr. Santillan hija?"- nakangiting tanong ni Mrs. Vellarde habang nakaupo ito sa harapan ko.

Sa gitnang dulo ng lamesa ay nakaupo ang daddy ni skyler na ngayon ay naka formal suit. Siguro pupunta siya sa kanilang companya.

Samantalang katabi ko si skyler na kaharap naman nito ay ang kaniyang ate.

Pakiramdam ko mahihimatay ako ng wala sa oras dito. Yung tipong bubulagta na lang ako sa harapan nila sa sobrang kabang nararamdaman ko. Malapit na talaga.

Lumunok ako ng mariin at pinilit ang sariling ngumiti sa harapan ng mommy ni skyler.

Syempre, kailangan kong maging magalang sa kanila.

"Opo."- sagot ko habang nanatiling nakapaskil ang ngiti sa labi ko ngunit ramdam ko ang namumuong pawis saking nuo.

Ewan ko ba kung bakit ganito na lang ako kabahan sa harapan ng pamilya niya. Kung wala lang sanang namamagitan samin ng anak nila baka chill lang ako pero hindi eh.

Natatakot ako na kapag nasabi na ni skyler na nililigawan niya ako ay baka may masabi silang hindi maganda. Sa nangyari ba naman kagabi na gulo. Tapos ako pa ang gumawa nun baka mas lalo silang umayaw.

Pero teka nga. Bakit ba ako nababahala sa mga sasabihin nila? Para namang may relasyon na kami diba? At saka isa pa may balak ba akong sagutin siya pag nagkataon?

"Oh, your jami!"- bulalas ng mommy niya na para bang ngayon lang niya naalala ang pangalan ko.

"Yes Mom. She's one of my classmates."- wika ni skyler habang kalmadong kumakain ng kaniyang agahan.

Hindi ko man lang magalaw ang pagkain ko dahil sa kabang nararamdaman.

Bwisit talaga na lalakeng to. Bakit sobrang kalmado niya?

"Oh."- tumango siya at saka marahang sumubo ng kaniyang pancake.

Pati pala pag subo eh napaha hinhin niya? Ganun ba talaga ang mommy niya? Sa aura palang niya ay napaka bait na niya.

Naalala ko tuloy si mommy.

"Eh bakit sa kwarto mo siya pinatulog kung classmate mo lang siya?"- mapang asar na tanong ng ate ni skyler.

Nasamid ako bigla sa sarili kong laway.

Sa dinarami ng pwedeng itanong, yun pa talaga! Naman oh!

"Skylein."- may banta sa boses ni Mr. Vellarde.

"What dad? I'm just asking. Ang daming guest room diyan. So it means..."- naningkit ang mga mata ni skylein at mapang asar na napatingin samin. "Something."- dagdag niya at napangisi.

Bagay nga talaga sila ni jeigh. Parehong pareho sila. Tss.

"Pinatulog mo siya sa kwarto mo Skyler?"- gulat na tanong ng mommy nila.

"Skyler, son. Why?"- takang tanong na din ng daddy niya.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now