{Chapter 38- Blame}

393 10 1
                                    

Skyker's POV

December 1, and it's sunday when my birthday came. And it only means one thing. That is party.

Takte.

Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig sa mga party. Hindi naman sa nahihiya ako sa mga tao, ayoko lang talagang makipag interact sa kanila lalo na ang mga ilang kasosyo ni dad na naimbitahan.

They are too formal like this is some business. Well infact, It's just a birthday party. Tss.

Mas gugustuhin ko pang kahit salo salo lang para ma celebrate ang birthday ko kaysa sa party na si mommy pa ang nag organize. I just couldn't believe it. I'm now 19 at sana naman hinayaan na lang nila ako sa gusto kong mangyari ngayong birthday ko.

But mom is mom. She will not hear me out. She doesn't want us to celebrate our birthday without having a party. Simula pa ata pagka bata namin ni skylein, puro party's na lang ang nangyayari kapag nag b-birthday kami.

Kaya naman nasasanay na kami sa harapan ng maraming tao pero hindi ko pa din gusto yun.

"Happy birthday pre!"-bati sakin ni xier ng mabungaran ko sila ni zack sa malaking gate namin.

Syempre bukas na bukas ang malawak naming gate para sa mga bisita. And as the fvking birthday boy, nandito ako ngayon para I-welcome sila.

I'm wearing my formal suit as my mom's request. Naka white polo ako sa loob habang black ang coat at slacks ko. Ang buhok ko ay naka brush up ngayon kaya hindi ko masuklay suklay gamit ang kamay ko.

"Oh regalo ko! Baka sabihin mong kuripot ako!"-aniya tas linahad sakin ang isang box na may kulay red pang laso.

Gamit ang isa kong kamay na hindi nakapamulsa ay inabot ko yun.

"Gago! Dun ka na nga. Ang daldal mo!"-naiinis kunyari kong taboy sa kaniya at saka binaba ang regalo niya sa lamesang nasa tabi ko na ngayon ay punong puno na ng mga regalo.

Sa bungad pa lang ng bahay namin, kapansin pansin na ang maraming tao at ang mga naglalakihang ilaw na nakapaligid samin. At hindi magpapa-party si mommy kung walang well-made stage sa harapan.

Nakaharap ang mga bisita dun habang nakaupo sila sa bawat lamesa at upuan sa paligid na natatakpan ng white cloth at red na ribbon sa upuan.

Sa gilid nito ay may nakahandang buffet at may mga waiters din sa gilid.

"Happy birthday, skyler."-bati naman ni zack sabay tapik sa balikat ko.

"Thanks."-sabi ko at linagay na din sa lamesa ang regalo niya.

"Buti pa si zack may thank you pero sakin wala?"-parinig ni xier sa gilid ko.

Napailing na lang ako at binalingan siya.

"Edi thank you din."-inirapan ko siya pero ngumisi lang ang gago.

Lintik.

Pasimple kong nilingon ang likuran ni zack at nagbabakasakaling nandun din siya pero napasimangot ako ng hindi ko siya nakita.

"Ehem. Parang may hinahanap ang birthday boy natin ah."-kantyaw ni xier at umakbay sakin para lalo akong asarin.

"Gago! Wala akong hinahanap!"-ismid ko sabay hawi sa kamay niya naka akbay sakin.

Ang ilang bisitang pumapasok ay agad na binibigay ang regalo sa katulong na kasama ko. May nakikita pa akong schoolmates na pumasok at bumati sakin na tinatanguan ko na lang at nginingitian.

"Yeah right well in fact we both know who's you're looking for."-nakisabay na din si zack sa pang aasar sakin.

Sinimangutan ko na lang sila dahil pinagtutulungan na naman ako ng dalawang kumag.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now