{Chapter 65-Date}

180 5 0
                                    

Jami's POV

"Date? Pinagloloko mo ba ko?"- natatawang saad ko.

Tumaas ang kilay niya sakin. "Seryoso ako sungit. Ngayon lang kita niyaya tapos tatanggihan mo pa ako? Sige na."- pamimilit pa niya habang niyuyugyog ako sa balikat.

"Pupunta akong hospital, ano ba."- reklamo ko atsaka tinanggal ang kamay niyang naka akbay sakin.

Nang makababa kami ng hagdan ay mas binilisan ko pa ang paglalakad pero nahahabol niya ako dahil sa laki ng hakbang niya.

"Kahit ngayon lang sungit. Sige na. Hindi na kita makakasama ng matagal bukas. Ngayon lang tayo nagkaroon ng oras tapos sasayangin mo pa?"- konsensya pa niya.

Napangiwi ako habang nagsasalubong na ang kilay ko.

Gago to ah. Ang galing mangonsensya. Tsk. Natamaan ako sa sinabi niya ah. Tama nga siya. Wala na kaming time sa isa't-isa simula ng maaksidente si jeigh. Iniintindi na nga lang niya ako dahil mas kailangan ako ni jeigh sa hospital.

Tapos ngayong magiging busy na din siya, mas madalang na talaga ang pagkikita namin. Kaya naman tumigil muna ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Sige. Saan ba?"- tanong ko. Sa huli ay pumayag din.

Napangiti naman ito atsaka saglit na napaisip.

"Gusto mo manuod tayo ng sine?"- parang bata pa nitong tanong.

Natawa ako. "Masyadong maraming tao. Ayoko dun."- tanggi ko, napapailing.

Muli itong napaisip. Ngayon ay nakahawak na sa kaniyang baba. Habang nakatingin sa ibang direksyon. "Swimming na lang tayo sa bahay."

Nangunot ang nuo ko at napahalukipkip.

"Swimming?"- ulit ko. Tumango naman ito.

Napa tsk ako sabay iling. Wala na bang maisip na iba ang lalakeng ito? Hayst.

"Sige. Dun na lang."- tango ko.

Mas okay na yun kaysa sa manuod ng sine. Ayoko pa naman sa maraming tao.

Ngumiti siya lalo atsaka hinila na ako patungong parking lot. Nag convoy kami patungong bahay nila. Nakapagpaalam na din ako kay jovan na hindi muna ako makakapunta sa hospital ngayon.

Okay lang naman daw dahil nandun naman siya para mabantayan si jeigh.

"Wala sina tita?"- tanong ko ng maka akyat kami sa kwarto niya.

Kung nandito sila ay baka bumungad na sa akin ang mommy niya.

"Pumunta siyang kompanya para bisitahin si dad."- sagot niya atsaka binuksan na ang kaniyang pintuan.

Tumango lang naman ako at naupo muna sa sofa sabay lapag ng bag sa tabi.

"Dito ka muna. Manghihiram lang ako kay skylein ng magagamit mo."- dagdag nito atsaka lumabas na.

Nagkibit balikat lang naman ako at nagpandekwatro sabay sandal. Wala akong dalang damit kaya siya ang bahala na maghanap nun.

Pinikit ko muna saglit ang mga mata ko at wala pang isang minuto ay bumalik na siya.

Nangunot ang nuo ko sa bilis niya.

"Yan lang daw ang extra niya. Huwag kang mag alala, hindi pa niya nagagamit ito."- untag niya sabay bato sakin nung hawak niya.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now