{Chapter 64-Awake}

160 7 0
                                    

Jami's POV

Sabado ng malaman naming gising na si jeigh. Kakatawag lang ni manang samin kinabukasan ng makitang nagmulat na ito ng mga mata.

Masaya ako na may halong kaba. Hindi dahil sa takot pa din akong pumasok sa kwarto niya kundi dahil sa kaalamang si kellion ang may dahilan kung bakit siya napunta sa ganong sitwasyon.

Nagulat nga ang mga nurse at doktor dahil sa bilis nitong magising. Karaniwan kase sa mga na coma ay mga siyam na buwan nagigising o di kaya'y taon kaya nakakagulat daw talaga na halos mag tatatlong linggo pa lamang ay gising na ito.

Lumabas ang doktor at si tanda para masinsinang magusap samantalang inayos naman muna ang mga nurse ang mga ilang gamit na nasa ICU o kwarto ni jeigh.

Pagpasok ko pa lamang kanina sa kwarto niya ay ramdam ko na ang lamig. Hindi pa ako nakakapasok dito magmula ng dalhin siya dito kaya lahat ng nakikita ko ngayon ay hindi pamilyar.

Ng tuluyan ng natanaw ko siya ay may kung ano sakin na masaya at sabik na makausap siya. Yung kaninang mabigat na kalooban ko ay unti-unting nawawala habang pinagmamasdan siyang may tipid na ngiti sa kaniyang labi.

Sa totoo lang, sobra kong namiss si jeigh. Namiss ko ang kakulitan niya, asar niya at kung minsan ang pagkapikon niya kapag inaasar ko siya. Namiss ko lahat ng tungkol sa kaniya. Pati ang presensya niya.

Parang ilang taon kaming hindi nagkita. Parang ngayon ko lang siya muling napagmasdan ng ganito.

Ng makalabas ang mga nurse ay inayos ni manang ang kaniyang comforter samantalang ang mga mata ni jeigh ay marahang bumaling kay jovan na nasa harapan ko.

Nakita ko itong napangiti. "J-jovan."- mahina at paos pa nitong sabi.

Kahit sa boses at pag ngiti niya ay namiss ko. Parang matagal kong hindi siya nakitang ganito.

Napako ako sa kinatatayuan at pinagmasdan silang dalawa na mag usap. Naupo si jovan sa gilid ni jeigh at saka niya ito kinamusta.

Bagamat mahina pa si jeigh ay nagawa pa din niyang kamustahin at sagutin ang mga tanong ni jovan.

Nagkatawanan pa sila atsaka ginulo ni jovan ang buhok ni jeigh. May sinabi si jovan sa kaniya kaya natigilan si jeigh pagkatapos ay sabay silang napatingin sakin.

Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya napaatras ako ng isang hakbang habang di malaman kung saan titingin.

"J-jami..."- tinawag niya ako.

Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya ng makita itong nakangiti sakin. Parang ngayon lang ako tinamaan ng emosyon dahilan kung bakit ramdam na ramdam ko ang saya ko saking dibdib.

Sa sobrang saya ay halos mangiligid ang luha ko.

"Jeigh..."- bulong ko, di mapigilang mautal.

"C-come here, princess..."- pakinig ko pang yaya niya.

Si manang naman ay agad na nagpaalam kay jovan na lumabas muna para makapag usap kaming tatlo.

Napalunok ako at humakbang papalapit sa kaniya. Nakagat ko ang labi ko ng mapagmasdan ko siya sa malapitan.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya sa sobrang saya. Yung luha ko ay tahimik na nagsituluhan habang nakapikit ng mariin.

"K-kuya..."- bulong ko habang sinusulit ang sarili sa presenaya niya.

Sobrang saya ko na gising na siya. Sobra akong nagpapasalamat na lumaban siya at hindi niya kami iniwan.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now