Kabanata 8

10.2K 272 5
                                    

CRISZETTE

"Zette get up girl hurry up." halos mabasag eardrums ko sa sigaw ni Stacey.

"Shut up please." naririnding sagot ko tsaka tumayo.

Di na siya muling sumigaw. Yan Good tumayo na ko at nagtungo sa cr at naligo.

Paglabas ko kinuha ko sa cabinet ang uniform. Kung inaakala niyong idedescribe ko tulad ng nababasa niyong mga kwento. Nagkakamali kayo. Kasi tinatamad pa din ako.

Basta color light violet siya kaya napangiti ako ng suotin ko ito. Kaso nakakainis lang sobrang ikli ng palda. Saang bar ba punta ko? All I can say was pang-pokpok ang palda niya. Naglakad ako papuntang salamin at pinagmasdan ang sarili. Dyosa!

Subukan niyong umangal sapak kayo sakin.

Bumagay sakin ang pantaas nito na white ang ilalim at ibabaw nito ay light violet gets niyo tapos may necktie ito na hati ang kulay light violet tapos ang kalahati nito ay dark violet.

Ayan dahil mahal ko kayo ineexplain kona.

Sinuklay ko ang buhok ko tsaka ginawang braid ang buhok ko yung bandang unahan lang yung parang nakapaibabaw lang gets niyo. Kung hindi aba basta yun na yun.

Nagpulbo ako at nagcologne tapos naglagay ng liptint.

Tumingin ulit ako sa salamin.

Perfect!

"Nobody can ruin your first day Zette!" nakangiting sambit ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

Lumabas na ko bitbit ang unicorn kong bag regalo pa to ni Mommy nung birthday ko.

Oo nga pala next month na birthday ko, my 18th birthday!

Naglakad na ko palapit sa dining table naabutan ko si Stacey na kumakain at suot ang uniform niya.

Infairness bumagay sa kanya ang uniform dahil na rin sa buhok niyang dye red hair.

Ng makita niya ako halos mapanganga ang gaga.

"Ohmyghad ikaw ba yan Zette walanghiya nahiya ang violet sayo." natatawang sabi niya.

"Tsk wag ka na maingay nagugutom na ko." sabi ko tsaka umupo sa upuan at nagsandok na sa plato.

Kumain na ko at ng mabusog tumayo na ko at isinukbit ang violet na bag ko which is unicorn ang design nito.

"Tara na." yaya ni Stacey. Kaya tumango ako at nauna ng lumabas bahala na siya maglock ng dorm.

Paglabas ko inantay ko lang siya tapos sabay na kami naglakad papunta sa classroom namin.

Habang naglalakad sa hallway nakasalubong namin si Kuya.

"Oh? Papunta na pala kayo susunduin ko palang sana kayo eh." nanlalaking mata niya na sabi niya.

Tsk first time ba niya ko makita na maaga magising?

Bakit bawal ba?

Tiningnan kolang siya ng masama.

"Nakakapanibago ka sis. Paanong panggigising ang ginawa mo Stacey?" nakangising tanong ni Kuya kaya inirapan kolang siya.

Agang-aga mambwiset.

"Hoy Kuya tigilan mo ko baka gusto mo ulit mabalian ng buto." malamig na sabi ko kaya nakita ko ang paglaho ng ngisi niya.

Naalala niyo yung sa binalian ko siya ng buto dahil sa paharang-harang sa daanan.

"Masakit yun. Tara na nga ayoko mabalian na naman mahal ko pa sarili ko." sabi ni Kuya tsaka nauna ng naglakad samin.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now