Kabanata 45

4.4K 155 1
                                    

CRISZETTE

"Hey Zette wake up."

Kaya agad akong naalimpungatan at napakusot ng mata shet may hang-over pa ko kagabi.

"15 mins. pa please." sabi ko habang nakapikit padin ang mata.

"No Criszette bumangon kana malalate na tayo it's 1st Semester Exam duh." kahit di ko nakikita mukha niya alam kong naiinis na si Stacey.

1st Semester Exam?

Bakit di ko alam yun?

"May ganun ba." inaantok na tanong ko.

"Ay di ka nainform."

Bumangon ako at nagpunas ng muta.

"Kadiri ka Criszette." nandidiring sabi niya. At tinataboy-taboy pa ko.

"Ang arte mo." sabi ko tsaka dinampot yung kumot at ibinayo sakanya.

"Bwisit intayin nalang kita sa sala. Ambaho mo pakidalian nalang please." sabi niya tsaka nagmamadaling lumabas ng kwarto ko.

Napangiti ako dahil bumalik na ulit sa dati. May nambubulabog na ulit na Stacey. May maingay na ulit tuwing umaga. Natutuwa ako dahil bumalik na siya.

Ano kayang nangyari sa pagdating niya sa mundo ng mga tao?

Tanungin konalang mamaya.

Naglakad na ko papuntang banyo at naligo. Tulad ng lagi kong ginagawa nagbihis ako ng uniform at tsaka inayos ang sarili at naglagay ng kunting liptint sa labi at nagpulbo tsaka ako lumabas ng kwarto ko.

"Ang tagal mo." reklamo niya.

"Ang ingay mo. Tara na baka malate tayo sa sinasabi mong 1st Semester Exam." sabi ko sakanya. Pero ang gaga sinimangutan lang ako.

"Wala ka bang balak mag-almusal muna alas-otso pa naman ang simula. Please kain muna tayo." pagmamakaawa niya at nagpapacute pa.

"Bakit di mo yayain boyfriend mong baduy." pagsusungit ko sakanya.

Di ko din alam kung bakit nagsusungit ako. Eh samantalang ang ganda ng tulog ko gawa ng celebration namin kagabi ng pasko dito sa Normsantandia.

"Uy Criszette hindi baduy si Jameson." depensa niya sa boyfriend niyang di marunong dumiskarte sa babae.

"I'm just telling the truth here." sabi ko tsaka inismiran siya.

"I hate you so much Criszette." inis na sabi niya.

"Oh I love you moreee." sabi ko tsaka nauna ng lumabas ng dorm.

Narinig ko pang tinawag niya ko pero di ko siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.

Habang naglalakad ako sa hallway alam ko namang nakasunod si Stacey sakin.

Ng may barumbadong di tumitingin sa daan ang nakabangga ko.

At familiar siya sakin.

"Paumanhin di ko sinasadya." sabi niya.

Pero ako nakatitig lang ako sakanya. Dahil familiar siya sakin.

"Bago ka lang ba dito."

"Ah opo sige na po mauuna na po ako nice to see you po." paalam niya na tila nagmamadali na talaga.

Pero napako ako ng tingin sakanya at sinundan siya ng aking tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Oh bakit tulala ka diyan tsaka sino yun?" nakakunot noong tanong niya.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon