Kabanata 66

3.5K 100 2
                                    

Ang Paglalakbay

SOMEONE POV

Habang nasa daan ang tatlo biglang tumigil si Cheena dahil na rin sa nararamdamang pagod.

"Zette? Pwede bang pahinga muna tayo papagod na ko eh." hinihingal na sabi ni Cheena.

Kaya agad na tumigil ang dalawa tsaka tiningnan siya.

"Sandiwa ka ba talaga?" nakakunot noo na tanong ni Criszette kay Cheena.

"Bakit mo natanong yan?" nagtatakang sabi ni Cheena kay Criszette.

"Dahil walang Sandiwang ganyan umasta. Konting pagod lang pahinga na. Walang sandiwang ganyan Cheena lalo na't nasa dugo ng mga Zaynadarks ang pagiging palaban at hindi ang pagiging mahina." sabi ni Criszette tsaka nilapitan si Cheena at tumabi dito.

"Pero pagod na kasi talaga ko Zette." nagmamakaawang sabi ni Cheena.

"Naiintindihan ko kung makakaramdam ka ng pagod dahil lumaki ka sa mundo ng mga tao tulad ko. Kaya sige pahinga muna tayo. Matulog muna kayong dalawa gisingin ko nalang kayo pagpaalis na tayo ulit." nakangiting sabi ni Criszette kay Cheena.

"Hys buti naman. Ramdam ko na din ang pagod dahil na rin sa gutom." usal ni Gabby tsaka umupo katabi ng dalawa.

Napatigil sila sa isang malaki at madahon na puno kaya malakas ang hangin sa ilalim nito.

Maya-maya pa'y natulog na ang dalawa maliban kay Criszette na matiyagang pinagmamasdan ang paligid. Upang maghanap ng makakain.

Naisipan niyang gamitin ang kanyang brilyante upang mapadali ang paghahanap ng pagkain.

Inilabas niya ito tsaka pumikit ng mariin.

"Brilyante ng tubig at katwiran ako'y nagsusumamo na hanapan kami ng makakain na magiging dagdag lakas samin sa mahabang paglalakbay patungong Ainabridge Castle ang sentro ng Ainabridge Academy." nakapikit na sambit niya.

Maya-maya pa'y nagwala ang mga batis na malapit sa kanilang kinatatayuan.

Maririnig sa paligid ang paghuhumiyaw ng mga batis at sapa sa kagubatan na wari mo'y may hinahanap maya-maya pa nagbagsakan sa harap ni Criszette ang iba't ibang klase ng prutas sa harap niya.

Kaya nagising ang mahimbing na tulog na sina Cheena at Gabby.

"Ano ba yan?" pungay na mata na sabi ni Gabby at pilit inaaninag ang paligid.

Maya-maya pa'y nagising na rin si Cheena at halos manlaki ang mata sa nakita.

"Saan nanggaling yan?" nagtatakang sambit ni Cheena.

Tsaka nila napagtanto ng mapansin nila ang nagwawalang mga batis at ilog na malapit sa kanila. At tsaka sila tumingin kay Criszette na nakapikit pa din.

"Anong klaseng kapangyarihan yan?" usal ni Gabby na halatang nacucurious.

"Sa pagkakaalam ko yan ang tinatawag nilang brilyante." sabi naman ni Cheena.

Maya-maya pa'y dahang-dahan na isinara ni Criszette ang kanyang palad at nawala ang liwanag dito. Tsaka dahang-dahan na iminulat ni Criszette ang kanyang mata.

Tsaka huminga ng malalim tsaka humarap sa mga kasama.

"Kain na tayo." nakangiting sabi ni Criszette at tsaka inabot kina Gabby at Cheena ang pagkain.

"Kakaiba talaga ang mundong to." namamanghang sabi ni Gabby na halatang-halata sa mukha niya ang pagka-amaze.

"The Normsantandia is a magical world." di makapaniwalang sambit ni Cheena.

Tsaka nila napagpasyahang pagsaluhan ang pagkain na nakuha ni Criszette. Habang nakain biglang nagtanong si Cheena kay Criszette.

"Zette? Diba may kapangyarihan ka ng paglaho. Bakit di natin gamitin yun para mabilis tayong makarating sa kaharian ng Ainabridge." ngumunguyang tanong ni Cheena.

Agad ding napaisip si Gabby sa tanong ng kaibigan. Wala namang alinlangan na sinagot siya ni Criszette.

"Dahil kung gagamitin ko ang mafi ng paglaho dapat alam ko kung saan ako pupunta." paliwanag ni Criszette.

"So di mo alam kung saan ang Ainabridge Castle." nanlalaking mata na sabi ni Cheena.

"Ganun na nga." natatawang sabi ni Criszette.

"Ay paktay man diha." usal ni Gabby gamit ang Bisaya na Lenggwahe.

Samantala sa kaharian ng Zaynadarks...

"Mahal na Hari." biglang sulpot ng isa sa kawal na nagbabantay sa kulungan nila Criszette.

"Ano't naparito ka?" inis na singhal sakanya ng hari.

"Ang mga bihag nakatakas." kinakabahang sambit ng kawal.

"Ano?" biglang sulpot ni Drake. "Yun na nga lang ang gagawin niyo ang bantayan ang mga bihag di niyo pa nagawa ng maayos. Mga wala kayong silbi." galit na sigaw ni Drake tsaka nilapitan ang kawal na nag-ulat.

Galit na galit na pumikit si Drake at itinaas ang kanang kamay.

"In the name of bad spirit. I want you to kill this soldier now." litanya ni Drake at maya-maya lang ay unti-unting nanghina ang kawal at nawalan ng hininga na nagdala sakanyang kamatayan.

"Huminahon ka nga Drake." galit na sigaw ng Hari sa anak.

"Mga wala silang silbi Ama. Dapat sa kanila pinapaslang." inis na sambit ni Drake.

"Ano ba't nagkakaganyan ka? Pati kawal napagbuntungan mo." nagtatakang tanong ng Hari sakanya.

"Di na dapat pinag-uusapan ang mga ganyang mga bagay Ama. Mga kawal?" sigaw niya. Agad namang nagsilapitan ang mga kawal. "Inuutusan ko kayong hanapin ang mga nakatakas na mga bihag." sabi ni Drake tsaka umalis ng bulwagan.

Tahimik na pinagmasdan ang dinadaanan hanggang sa mapadpad siya sa Garden ng Kaharian at dun ay nagmuni-muni.

Cheena.

Nakangiti niyang binasa ang nakaukit na pangalan sa puno na nasa gitna ng Garden.

Muli niyang inaalala ang mga pinagsamahan nila ni Cheena kahit sa huli ay tinayrador siya nito.

Dahil aminin man niya o hindi.

Di man niya ipahalata.

Ay minamahal na niya na si Cheena.

Si Cheena na nagparamdam sa kanya  kung paano maging masaya.

Si Cheena na nagturo sakanya na di kailangan maging masama para makuha ang lahat ng nais.

Si Cheena ang taong nagturo sakanya na ngumiti.

Pero si Cheena din ang unang tao na ang tingin sakanya ay masamang tao. Na dapat traydorin dahil napakasama ng tao niya.

Napapaisip na siya ilang araw na niya itong pinagninilay-nilayan.

Kung iiwan niya ba sa ere ang kanyang Ama.

O

Mas pipiliin niya ang pag-ibig kasama si Cheena?

Dahil alam niya sa sarili niyang di siya tunay na masama.

"Cheena di lahat ng tao ay masama. Dahil karamihan sa kanila ay nakasuot lamang ng maskara. Dahil di ako tunay na masama hahanapin kita babaguhin ko na ang buhay ko." bulong niya sa hangin. Sigurado na siya sa gusto niyang mangyari dahil alam niyang patuloy na magiging miserable ang buhay niya kung mas pipiliin niyang maging masama habangbuhay.

"I will find you Cheena."

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now