Kabanata 78

3.9K 96 3
                                    

CRISZETTE

Pero muli siyang tumayo. Kahit hirap na hirap.

"Di ko isusuko sa inyo ang Zaynadarks. Akin ang Zaynadarks." hirap na sabi niya. Hinang-hina na ito. Dahil sa dami ng dugo na kumakawala sa buo niyang katawan. Dahil na rin may lason ang espada na itinarak ko sa kanya..

"Walang iyo Israel. Kami dapat ng kapatid ko ang namamahala dun at di ang katulad mong napakasamang tao." sigaw ni Stacey.

Kaya napalingon ako sakanya. Ramdam ko ang galit na namumuo sakanya..

"Bakit kailangan mong idamay si Jameson dito? Bakit." sigaw ni Stacey sakanya habang nagsisimula ng magbagsakan ang mga luha niya.

Jameson?

Speaking of that man. Nasaan pala yun? Ilang beses na kong pumupunta sa campus pero di ko siya nakikita.

Tsaka anong nadamay?

Wag mo sabihin na..

"Masyado kasing pakialamera yang kasintahan mo kaya ayan inabot masyadong nagpapakabayani." nagawa pa ring ngumisi ni Israel sa kabila ng hapdi at patuloy na pag-agos ng dugo sa katawan niya. At batid ko din na kumakalat na ang lason rito..

"Kaya pinatay mo siya..Or what should I say pinatay siya ng anak mo." galit na sigaw ni Stacey sakanya at di na nakapagpigil ito at sinugod ng sakal si Israel na naging dahilan upang mahirapan siyang huminga..

"Bitawan mo ko. Lapastangan ka." hirap na hirap na sabi ni Israel..

Natahimik ako at natigilan..

Patay na si Jameson?

At wala man lang ako nagawa. Bahagya akong nanghina..bigla kong ninais na magpahinga na lamang.

Kaya sinugod ko si Israel na sakal-sakal ni Stacey. At itinarak ang brilyante ko sa puso niya..at tsaka nagbigkas ng spell..

"Acck." rinig kong pag-aray ni Israel.

"Ves Hades y kamatayan nais kong iyong ipataw sa mapanirang hari na namumuno sa Normsantandia." nakapikit na bigkas ko habang nakatarak pa din ang brilyante sa puso ni Israel..

At tsaka nagliwanag ang paligid..

"Kamatayan ay ipataw sa mga kapanalig ni Israel maliban sakanyang anak na si Drake. Nagsusumamo ako aking brilyante inuutusan kitang buhay nila ay wakasan. Ngayon na." nakapikit na dagdag ko pa at itinaas ang brilyante na naging dahilan ng malakas na pagsabog..

At tsaka ako nagmulat. Nakita ko nalang na walang malay na si Israel at maging ang mga kawal niya. At laking gulat ko ng makita ang lahat ng mafians na nakatingin sa mga napaslang..

Tapos na..

Lumiwanag na ang paligid. Sumikat na ang araw..Wala ng kadiliman tapos na..

Patakbong pumunta direksyon ko sila Cheena,Jenica at Gabby tsaka ako sinunggaban ng yakap..

"Tapos na Ate. Tapos na." umiiyak na saad ni Jenica.

"Sabi ko naman sayo diba. Magiging okay din ang lahat.." pilit na ngiti na sabi ko dahil ramdam ko na ang pagod ng katawan ko.

Napatingin ako kay Stacey na nakatingin lang sakin..kaya ngumiti ako sakanya..

"Naipaghiganti na natin siya Stacey. At nabawi na rin natin ang Zaynadarks. May isa lang sana kong kondisyon..Gusto kong tulungan mong maituwid ni Drake ang landas sapagkat di siya kasingsama ng kanyang Ama..Kahit na siya pa ang pumatay kay Jameson alam kong nagawa lang niya yun sa labis na galit. Ngunit may mabuting puso si Drake. Stacey." nakangiting saad ko sakanya tsaka humiwalay ng yakap kina Gabby. Tsaka lumapit sakanya at niyakap siya..Narinig ko na lamang ang pag-iyak..

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt