Kabanata 75

3.4K 92 2
                                    

Mafians Teen Night (Part 1)

SOMEONE POV

Puno na ng estudyante ang bulwagan ng Academy lahat sila ay walang kamalay-malay sa magaganap na paglusob ng mga Zaynadarks sakanila.

Nandito na sa bulwagan na sina Keiron at Mercedes at ang sweet nila sa isa't isa kahit puno pa rin ng tanong sa isip ni Mercedes kung anong nangyayari kay Keiron.

Alam niya kung ganun kainit ang ulo nito sakanya.

Samantala sina Andrei ay sinundo si Serena sa dorm nito.

"You're finally here." nakangising sabi ni Andrei kay Serena.

Napangiti siya sa suot nito na lalong nagpalutang ng ganda niya. Aminado siya na maganda talaga si Serena mula sa ugali at itsura nito..

Kaya nga naging girlbestfriend niya ito.

"Your so pretty in your gown." namamangha na sabi ni Andrei kay Serena.

Agad namang namula ang pisngi ni Serena at napayuko.

"Bolero ka din pala." nakangusong sabi ni Serena.

"Sakto lang." maikling tugon ni Andrei habang nakangisi kay Serena.

"Pansin ko lang natuto ka na mag-ingay." natatawang sabi ni Serena.

"Tsk pati ba naman yun napansin mo." masungit na sabi ni Andrei kay Serena marahil ay napikon na ito sa pang-aasar ni Serena sakanya.

"Siya sorry na." paglalambing ni Serena.

Inirapan lamang ni Andrei si Serena.

"Tsk tara na." yaya ni Andrei kay Serena agad namang umakla si Serena sa braso ni Andrei...

Sa kabilang banda..

Zaynadarks.

"Maghanda na kayo. Susugod tayo sa Academy sa pagpatak ng alas-dose." sigaw ni Israel sa palasyo na halos umalingawngaw sa buong sulok ng kaharian..

Agad namang nag-ayos ang mga kawal na sasabak sa giyera mamaya..

"Siguraduhin mong maipapanalo mo ang laban Israel kundi tayo ang babagsak." nakangising sambit ni Bathalang Eumee.

"Kailan ba ko nagpatalo?" nakataas na kilay na sagot ni Israel.

"Siguraduhin mo. Dahil ang propesiya ay magaganap na. Ang nakatakda ay mangyayari na. Maraming mamatay. Maraming mauulila. Dadanak ang dugo sa buong paligid. Maraming maagang matatapos ang buhay." natatawang sabi ni Bathalang Eumee.

At sabay silang nagtawanan. Ang tawa na di mo gugustuhing marinig..

"Nasaan nga pala si Ella?" tanong ni Israel sa mga kawal.

"Nasa academy po mukhang sasali sa Mafians Teen Night ang inyong anak." sagot sakanya ng kawal.

Napatingin naman siya kay Bathalang Eumee na nakikinig lang sakanila...

"Sa tingin ko may sariling plano ang iyong anak." nakakunot noo na sabi ni Bathalang Eumee.

Natahimik si Israel at napaisip.

Habang sa Kaharian ng Ainabrige ay patuloy na naghahanda sina Criszette, Jenica kasama sina Gabby at Cheena maging ang Reyna Jasmine ay naghahanda na rin kasalukuyan silang nasa silid ng Reyna dahil narito ang mga gamit na magagamit nila sa pag-aayos.

"Ina ayos lang ba itong kulay light pink na gown?" tanong ni Jenica sa Reyna Jasmine na busy sa pag-aayos kay Criszette na sapilitan pa bago pumayag..

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now