Kabanata 59

3.7K 114 7
  • इन्हें समर्पित: Leigh62920
                                    

STACEY

Do you remember how it felt like?

Malungkot na panimula ng tugtog na bumabalot sa buong bulwagan. Tanging pagtangis ng mga mahal sa buhay ni Jameson ang nangingibabaw sa buong paligid.

I still remember how the days that end, the weeks and months we were together for so long

I haven't noticed, that we're falling down too fastIf I could take it all back

Di ko napigilang umiyak. Agad namang umalalay sakin ang boys at sina Serena,Coleen at Andrea.

Ito na kasi ang huling sandali ni Jameson.

Ito na ang huling lamay at kailangan na namin magpaalam sakanya.

Because he deserve to rest.

Because he deserve it.

"Stacey don't hide your tears." bulong ni Andrea sakin.

'Mahal na Mahal kita Stacey.'

Patuloy ko pa din naririnig ang malambing na boses at tinig ni Jameson saking isip.

Patuloy pa din ang pagiyak ni Jarret sa harap ng himlayan ng kakambal niya.

Hanggang sa kailangan na naming ibigay ang huling mensahe para kay Jameson. Na pinangunahan ni Isay.

"Kuya Mage maraming salamat. Salamat sa pagmamahal at sa pagtanggap sakin. Madami kang nagawa at naitulong sakin. Ipinapagsalamat ko sa poong maykapal at ikaw ang naging Kuya ko kayo ni Kuya Maze. Maraming salamat Kuya. Hintayin mo kami diyan ha. Balang araw magsasama-sama ulit tayo." umiiyak na sambit ni Isay habang nakayakap sa bangkay ni Jameson.

Agad naman siyang inalalayan ni Jarret upang pakalmahin.

Tsaka siya humarap samin ng may pekeng ngiti.

"Si Kuya Mage o mas kilala sa tawag na Jameson ay sobrang mahal namin. Siya yung tipo ng tao na handang isakripisyo ang lahat ng meron siya para sa iba." nakangiting lahad ni Isay. "Pero Kuya Mage di ka lang naging isang mabuting prinsipe ng Amians isa ka din sa mabuting kapatid samin ni Kuya Maze." sabi ni Isay tsaka lumingon sa Kuya Mage sa huling sulyap tsaka bumalik sa upuan.

Sunod na nagbigay ng mensahe si Jarret.

I still want you by my side.

If only I could bring you back to meIf I could go back in timepromise we won't say goodbyeI never really moved onNo, not in time...I wanna go back to the way we used to be I wanna feel your skin, your lips so close to meI wanna go back when I called you mine all the timeEvery smile and every momentIf only I have (If only I have) a time machine.I need you like the air I breathe

"Kuya Mage di ka lang naging kakambal naging Kuya din kita. Saksi ako sa mga pagkakamaling minsang nagawa mo. Naging saksi din ako kung paano mo itinama ito lahat. Kuya Mage this is not a goodbye because I know someday magkikita ulit tayo. Just wait me there! Alam kong masaya ka na kung nasaan ka man." mahabang lintanya ni Jarret. Tsaka biglang bumuhos muli ang mga luha niya. "You know what bro? Pinabilib mo ko sa mga bagay na di ko inaasahang gagawin mo. Handa kang magparaya para sa iba. Handa kang isugal ang kasiyahan mo para sa iba. At eto pa bro pati buhay mo isinakripisyo mo na din para mailigtas ang babaeng kamuntikang mapaslang ng Darks pero ikaw ang napaslang. Kuya Mage magiingat ka diyan. Mahal na Mahal ka ng buong Amians. Pinapangako ko sayo na magiging mabuting Sandiwu at kapatid ako kay Isay at sa Amians." nakangiting lahad niya pa tsaka ibinuka ang palad at nagliwanag ito. "At pinapangako ko din sayo na iingatan ko at gagamitin sa kabutihan ang brilyanteng mas pinili mong ako ang maging tagapangalaga kaysa ikaw." umiiyak na lahad ni Jarret. Tumayo ang Reyna para alalayan siya.

The Cold Princess of Ainabridge Academyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें