Kabanata 46

4.1K 152 1
                                    

STACEY

Kanina ko pa napapansin ang di magandang aura ni Criszette mula ng makita si Drake ang bago naming kaklase.

Oo nasagutan niya yung exam. Sa katunayan nauna pa nga siyang natapos eh at dun ako naninibago dahil sa dati naming school hindi siya ganun.

Bet na bet niya laging magpahuli.

Don't get me wrong huh -- matalino si Criszette sadyang tinatagalan niya lang sagutan dahil pinapaulit-ulit niyang icheck ang sagot niya kaya in the end.

Perfect ang exam niya.

Kaya nanibago talaga ko ngayon.

Nakaupo siya ngayon sa upuan niya at nakapangalumbaba sa table niya.

Habang masamang nakatitig kay Drake.

Na siyang sinusuklian din ni Drake ng masamang tingin. Feeling ko sa isip sila nag-uusap try ko nga kung maririnig ko.

Pero sa kamalasan parehang sarado. At isa lang ibig sabihin nito sila lang nakakarinig sa isa't isa.

Napatingin naman ako kay Keiron na di sa exam nakatingin kundi kay Drake at Criszette. At alam kong kaya ni Keiron marinig ang iniisip ng dalawa kahit sarado pa ito. Iyon ang pinakaunique na mafi na meron si Keiron maliban sa pagiging mabilis niyang tumakbo at maglaho.

Kaya ganun nalang siya hangaan ng mga mafians dito.

"Cey okay ka lang ba." biglang bulong ni Jameson sa gilid ko.

Kaya iiling-iling akong nilingon siya.

"Wag mo na kong aalalahanin. Magfocus ka nalang diyan sa exam mo." nakangiting sagot ko.

Kaya kahit nagtataka man ay bumalik na siya sa pagsasagot ng exam.

"Mafians 30 mins left please answer your paper immediately. " pag-aanounce ni Prof. Gema kaya nataranta ako at iniwasan ang tingin kay Drake at Criszette at siyempre pati kay Keiron na habang nagsasagot ay sumusulyap kay Criszette.

Okay naweweirduhan ako sa mga taong to.

Ng matapos ko sagutan yung Exam ko agad ko itong pinasa.

"Goodjob Ms. Stacey you finished it earlier." pagpupuri sakin ni Prof kaya ningitian ko siya.

"Buti nga po kahit ang tagal ko po nawala ih nasagutan ko po kahit papaano e." nahihiyang sabi ko.

"Congratulation Ms. Stacey." nakangiti pa niyang dugtong.

Kaya nahihiyang ningitian ko din siya tsaka lumabas ng room mamaya ko na uusisain yung tatlong weirdo sa loob. Gosh di ko kinaya yun.

"Bes ang weirdo ni Criszette ngayon." biglang sulpot ni Andrea sa gilid ko.

"Ohmygahd Stacey ginulat mo kong gaga ka." singhal ko sakanya dahil napatalon ako sa gulat sakanya kanina.

Kaya ang gaga tinawanan lang ako.

"Kape pa." pang-aasar niya.

"Stop teasing me Andrea." inis ko siyang tiningnan ng masama.

Kaya napatikhim nalang siya at nanahimik.

Nauna nga pala to matapos.

Impernes sa babaitang to kahit halos kadarating lang dito eh nakuha niya agad ang exam at ayan nauna pa natapos.

"Anong klaseng tingin yan Stacey." sabi niya tsaka pinandilatan ako ng mata.

"Wag ka sanang magagalit bes pero ngayon ko lang napansin na ang pangit mo talaga."

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now