Kabanata 51

4.1K 118 1
                                    

CRISZETTE

"Sige pa lamon ka pa. Dahil sa kagagahan mo kung saan-saan ka nagsusuot kaya ayan gutom na gutom ka." sermon pa niya sakin.

Kanina niya pa ko sinesermunan mula ng pagdating ko dito pero di ko siya pinansin kumain lang ako ng kumain.

"At talagang di mo man lang papansinin ang pagsesermon ko sayo matindi ka talagang bata ka." iritadong sambit niya pa.

"Pwede bang wag kang maingay nakakabulabog ka sa kapitbahay." seryosong sabi ko sakanya habang patuloy na kumakain.

"Ay oo nga pala." kakamot-kamot sa ulo na sagot niya.

Di ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglamon.

Ng biglang..

*blag*

"Kamusta Jaheyo na Sandiwa."

Halos mabitiwan ko ang kinakain ko dahil sa gulat. Dahil may napakapangit na biglang sumulpot sa harap namin.

Napakapit ng mabilis si Stacey sakin hindi dahil natatakot siya.

Kundi gusto niyang protektahan ako.

"Dadaan ka muna sakin bago mo siya makuha." seryosong sambit ni Stacey.

Kukunin? Ako?Aanhin naman ako ng pangit na yan.

"Hinahamon mo ba ko binibining Sandiwa." nakangising tanong niya.

"Kung anong sa tingin mo." sarkastikong tugon ni Stacey sakanya.

Nagulat ako ng biglang itinaas ni Stacey ang kaliwang kamay niya.

"Oras na para maging si Agane ako ang tunay na Sandiwa ng Zaynadarks." sambit ni Stacey.

Lumiwanag ang kaliwang kamay niya.

At ng mawala ang liwanag nito.

Nakita namin ang kumikinang na espada na kakulay ng buhok niya yeah is it red na hinaluan ng kulay puti kaya gumanda ito sa paningin ng nakakita.

"Paano mo nakuha ang espada na yan?" nagtatakang tanong ni Israel.

"Ang espada na ito ay kusang lumapit sakin Israel at wala ka ng magagawa dun." ani Stacey sabay iwinasiwas ang espada at itinutok kay Israel.

"Hindi maaari akin dapat yan." galit na sigaw ni Israel.

"Walang iyo Israel at sisiguraduhin ko sayong darating ang araw na muli kong mababawi ang Zaynadarks mula sayo na matagal mo ng inagaw sa magulang ko." sabi ni Stacey tsaka dahan-dahang naglakad palapit kay Israel at inaambaan ng espada.

"Di mo ko madadaan sa ganyan Sandiwa dahil mas may karanasan ako sayo at sinasabi ko sayo ako ang nararapat na mamuno sa Zaynadarks." ani ni Israel at tsaka dumukot ng espada.

"Isang ganid na tulad mo ang nararapat. Ganyan na pala ang iyong tingin sa iyong sarili Israel." sarkastikong singhal ni Stacey kay Israel.

"Teka nga ano bang ginagawa mo dito Israel." singit ko sa kanila.

"Nandito ako para iganti ang aking anak na inyong nilaspatangan."

Ah. Yung Drake ba.

"Anak mo yun. Takte di mo kamukha." natatawang sabat ni Stacey.

Kaya naging dahilan para magalit si Israel at sugudin siya.

"Lapastangan." galit na sigaw ni Israel habang sinusugod si Stacey.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now