Kabanata 52

3.8K 130 1
                                    

JASMINE

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa masamang pangitain.

"Ina." tawag sakin ni Jenica kaya napalingon ako sakanya.

"Jen anong ginagawa mo dito." nagtatakang tanong ko sakanya.

"Ina kailangan tayo ni Ate. Kailangan tayo ng kapatid ko." malungkot na sambit niya.

"Paanong kailangan? May nangyari ba?" nagtatakang tanong ko pa.

"Galing ako sa Academy nila at nadatnan ko dun na nandito si Drake ang anak ni Israel at dahil dun nanganganib si Ate."

"Paano mo nalaman na nasa Academy ang kapatid mo."

"Kamukhang kamukha mo siya Ina." gulat na sagot niya sakin.

"Paano mo nga nalaman?"

"Dahil nararamdaman ng puso ko kung nasaan ang kapatid ko." nakangiting sagot niya sakin.

"Hys. sabagay! Alam ko namang kahit gusto kong tulungan ang kapatid alam mong di maaari." malungkot na sambit ko sakanya.

"Pero Ina?" pigil niyang tanong sakin.

"Dahil di pa ito ang tamang panahon." maikling tugon.

"So ganun Inay wala kayong gagawin para tulungan kapatid ko." mariin na singhal niya sakin.

Di ko siya masisi.

"Patawad anak ngunit wala akong magagawa kundi hayaan siya." ani ko pa.

"Hayaan? Paanong hayaan? Ah alam kona hayaan mong mamatay ang kapatid ko." natatawang sambit niya."Kung ikaw kaya mo siyang nakitang nahihirapan ako Ina hindi. Tutulungan ko kapatid ko kahit anong mangyari ngayong kilala niya na ako." dagdag niya pa.

"Jenica ipapahamak mo lang ang sarili mo." nag-aalalang sabi ko sakanya at tumayo sa gilid ng higaan ko.

"Hindi Ina hindi ko hahayaang mamatay ang kapatid ko ng walang kalaban-laban." galit na sambit niya tsaka akmang tatalikod na. "Pasensyahan nalang Ina pero di ko kayang hayaan ang kapatid ko." dagdag niya pa tsaka tuluyang naglaho.

Patawad Anak. Dahil oras na makilala ako ng kapatid maaring maging ugat ito para di maisakatuparan ang propesiya ni Bathalumang Cassandra.

Ang propesiya kung saan bilyong mafians ang mamatay.

Ang propesiya na tatapos sa panunungkulan ni Israel sa Zaynadarks.

Ang propesiya na magtatapos sa lahat ng gulo.

Ayokong sirain yun. Kaya kahit masakit kailangan kong maghintay ng tamang panahon para makilala ako ng anak ko.

Patawad aking mga anak.

Agad akong bumalik sa higaan at pinagmasdan ang kisame ng aking kwarto.

Maghintay ang siyang nararapat!

CRISZETTE

Patuloy pa din ang paglalaban ni Israel at Stacey.

At hanggang ngayon di pa dumadating si Kuya.

Bahala na masisira ng tuluyan ang dorm na to pagnagpatuloy pa to.

Kaya no choice ako kundi gamitin ang spell ng paggawa ng illusion na lugar at doon dalhin ang laban.

"Neva Scorta." pabulong na sambit ko tsaka naramdaman ko nalang na nilalamon ang katawan ko papunta sa ibang dimension pagmulat ko.

Kagubatan?

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now