Kabanata 19

7K 176 2
                                    

STACEY

Malungkot kaming lumabas ng dorm matapos kaming sigawan ni Criszette di ko alam kung anong nangyayari sakanya nagsimula lang naman yun nung umalis si Ursula.

"Bakit mas lalong lumalala siya." nalulungkot na sambit ni Serena.

"Di naman siya ganun dati eh anong nangyari." tanong naman ni Coleen tsaka napahugot ng malalim na hininga.

"Nagstart lang naman yun nung umalis si Ursula yung kuya niya." sabi ko tsaka nagpakawala ng hininga.

"Siguro dapat hayaan niyo muna siya. Di ko nga alam kung bakit laging ang init ng ulo sakin nun eh." napakamot sa ulo si Jameson sa sinabi niya. Kahit ako nagtataka kasi tuwing makikita niya si Jameson init ng dugo niya dito.

"Baka naiinis sayo." natatawang sabi ni Serena.

"Aba anong nakakainis sa mukha ko." seryosong sabi ni Jameson kaya napatawa kaming tatlo.

"Tsk ano ba naman yan bal di mo ba alam na nakakainis talaga yang mukha mo." natatawang sabi ko tsaka nagpeace sign sakanya.

Kaya napanguso nalang siya. Ang cute talaga ng boyfriend ko.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang sumulpot si Keiron.

"Ahm guys nasaan si Criszette?" tanong niya samin.

"Nasa dorm namin why?" sagot ko sakanya na may halong pagtataka.

Kasi bakit hinahanap niya si Criszette? Eh kung bwisitin nila ang isa't isa at isumpa eh parang walang katapusan.

So bakit hahanapin ng isang Cold Keiron at Cold hard-headed na si Criszette?

"Ano at di na naman siya papasok aba?" naiiritang sabi niya.

Eh ano naman sayo ngayon kung di papasok si Criszette may di ba kami alam sayo Mr.Keiron Amoratta.

"Ang OA mo naman ata sa part na yan Kuya." sabi ni Serena tsaka ningisian ang kuya niya.

"Stupid! Inutusan kasi ako ng Headmistress na ihanda si Criszette para sa isang training na nakatakdang mag-umpisa ngayon kaso ayun nga mukhang di na naman papasok." ow napakahaba naman ata nun. First time ko siyang marinig na magsalita ng ganyan kahaba.

"Edi puntahan mo para magkabangas ka." sabi ko tsaka napairap sa ere alam ko kasing pag-ayaw ni Criszette ayaw niya talaga. Duh! I'm her bestfriend for more than 17 years.

Ohmyghad oo nga pala birthday na ni Criszette next week myghad kailangan bumalik na yung gunggong na Ursula na yun kukulitin ko nga mamaya.

Bigla nalang nawala si Keiron tsk he use again his mafi na parang flash.

"Guys birthday na nga pala ni Criszette next week tapos ako sa sumunod na week pa." excited na sabi ko. Ghad mag18 na kami pareha ni Criszette.

"For real?" sabay na tanong ni Serena at Coleen.

"I know." nakangiting sabi naman ni Jameson. Oo nga pala kilala niya noon pa si Criszette kaya di nakakapagtaka na alam niya birthday namin pareha.

"Yes." sagot ko kay Coleen at Serena agad umaaliwalas ang mukha ng dalawa.

"So what's the plan?" sabay na tanong nila.

"Kailangan muna natin pabalikin si Ursula." sabi ko tsaka ngumiti.

"Pero paano edi nga natin alam kung nasaan?" nakakunot noo na tanong ni Serena ganun din si Coleen maliban kay Jameson mukhang alam niya kung anong binabalak ko.

"May cellphone ako text ko nalang siya." sabi ko tsaka ngumiti ng pagkalaki-laki.

"Cellphone? Tao ba yan." nagtatakang sabi ni Serena

"Oo nga ano yung cellphone." tanong naman ni Coleen.

Oo nga pala kamuntikan ko na makalimutan di nga pala nila alam nila yun. Napakamot nalang ako sa ulo.

"Okay hindi tao ang cellphone kundi bagay. Ginagamit ng mga mortal yun para makipagcommunicate sa ibang taong malayo sa kanila." sabi ko sakanila. Sana nagets niyo ayoko magexplain ng paulit-ulit.

"Ah meron ka ba diyan. Patingin nga kami." sabi naman ni Coleen. Kaya tumango ako at dinukot sa bulsa.

"Wow ang cool naman yan parang gusto ko tuloy magkaroon nito." namamanghang sabi ni Serena di ko alam kung matatawa ba ako o ano sa iniasta nila pareha. Alam ko naman na di nila alam yan di ko lang talaga maiwasan ang hindi matawa.

"Meron ba si Criszette nito?" tanong bigla ni Coleen.

"Sad to say wala. Gusto nga siyang bilhan noon ni Ursula pero ayaw niya ewan ko ba dun walang hilig sa mga ganyan." sabi ko tsaka napailing nalang ng maalala ko kung paano nagpupumilit si Ursula na bilhan si Criszette ng cellphone.

"Eh si Christian?" tanong naman ni Serena.

"Oo meron yun. Ayun pa ba kada bagong labas nga na brand ng cellphone meron yun." natatawang kwento ko sa kanila.

"Ah ganun pala. Ih parang gusto ko tuloy magkaroon ng ganto." sabi naman ni Coleen. Kinuha ko ang phone ko sa kanila tsaka binuksan ang app ng camera tsaka iniharap samin.

"Smile naman kayo diyan." kahit naguguluhan ngumiti pa din sila.

"Wow ang astig talaga." parang bata na sabi ni Serena.

Di namin namalayan na nasa tapat na pala kami ng pinto ng classroom. Kaya naglakad na agad kami papasok at umupo sa kanya-kanyang pwesto.

"Mag-aral kang mabuti bal ha." bulong ni Jameson kaya namula ako.

"Oh bat ganyan mukha mo." pang-aasar ni Joshua sakin. Kaya nahihiyang tinakpan ko ng buhok ang mukha ko.

Maya-maya pa dumating na ang professor namin kaya tumayo kami.

"Goodmorning Professor Gema." sabay-sabay na sabi namin tumango si Ma'am bilang sagot at sumenyas siya na umupo na kami.

"Okay class today we tackle about the Ves Hades isang spell na kung saan piling tao lang ang makakayang makagamit nito. Kaya nitong pigilan ang paghinga ng nagmamay-ari ng mafi at kaya rin nitong pigilan ang mafi na gumagana sa mga oras na yun." sabi niya bigla kong naalala si Criszette.

Paulit-ulit niya yung binabanggit nung minsang may nakaaway siyang babae sa hallway na nagngangalang Ella daw sabi nila Joshua eh.

Ibig sabihin ba nito ay piling tao si Criszette? Ano ka ba talaga Criszette bakit parang di ka lang ordinaryong mafians tulad namin. Bat parang napakaespesyal mong gaga ka.

"Parang si Criszette." sabi ng isa sa mga kaklase ko. Oo nga pala saksi siya nung mangyari yun.

"Anong parang si Criszette?" nagtatakang tanong ni Professor Gema.

"Kasi paulit-ulit niya pong binabanggit iyon noon ng minsan makabangga niya si Ella sa hallway." sabi niya kaya napaawang ang bibig ni Prof Gema. Tsk last month pa nangyari yun eh tapos ngayon lang nalaman ng prof na to. Aba saan ba nagsusuot to.

At di niya alam yun.

"Alam niyo bang unang tingin ko palang kay Criszette alam kong napakaespesyal niyang bata isa lang alam ko di lang siya basta isang mafians dahil di siya ordinaryong mafians lang." sabi ni Ma'am. Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog ang bell.

*School Bell*

Kaya agad nagdismissed si Prof. Gema. Sino ka ba talaga Criszette? At ano ka ba talaga?

Sakit mo sa ulo.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyKde žijí příběhy. Začni objevovat