Kabanata 74

3.2K 82 1
                                    

Ikalimang araw ng Selebrasyon

SERENA

"Can you just stop roaming around?" inis na sigaw ni Andrei sakin. Kanina pa kasi ako nagpapabalik-balik sa harap niya.

"Eh kasi nag-aalala na ko sa kakambal ko." naiiyak na sabi ko.

"Alam mo namang walang magagawa yang pagbalik-balik mo sa harap ko." seryosong sabi niya tsaka tumayo. At naglakad palapit sakin. Para huminahon ako.

Naramdaman ko na lamang ang yakap niya sakin mula sa likod.

"Don't be afraid we will find the reason kung bakit nagkakaganyan kapatid mo." malamig na boses niya. Kaya dahan-dahan nawala ang kaba na bumabalot at tanong sa isip ko.

It's last day of Celebration and later on may Mafians Teen Night na magaganap at hanggang ngayon di ako pinapansin ng kakambal ko. At hanggang ngayon wala pa din akong nakukuhang sagot.

At mula kagabi ay panay iyak na ko dahil sa iniaasta ng kuya ko.

At di ko alam kung paano ipapaliwanag ito kay Ina at Ama. Ganung di ko naman alam kung bakit nagkakaganun siya.

Na parang di siya ang Keiron na kapatid ko. Na parang may mali sa pagkatao niya. Nagulat nalang ako bigla akong yakapin ni Andrei sa harap ko. Para akong binuhusan ng malamig ng tubig at di nakapag-react agad.

"A-andrei?" utal na sabi ko sakanya.

"Nandito lang ako..I'll never leave you..sasamahan kitang tuklasin ang totoong nagyayari sa Kuya mo." he whispered.

At di ko na napigilan pa at nagbagsakan na ang mga luha ko.

"Ansakit-sakit lang kasi..Bakit kailangang mangyari to sakin lahat bakit si Kuya pa." umiiyak na usal ko sakanya.

"I know." he whispered and tap my back. "Maniwala ka lang na maayos din ang lahat." usal niya pa.

"Parang gusto kong magalit kay Criszette dahil pakiramdam ko kasalanan niya lahat." naiinis na sabi ko.

Nagulat ako ng biglang humiwalay sa yakap si Andrei sakin. At tiningnan ako ng masama.

"Yan ang wag mong gagawin..dahil alam mo naman kung anong pinagdadaanan ni Criszette." seryosong sabi niya.

At agad din naman akong napaisip.

"Sorry." maikling paghingi ng tawad ko.

"Okay lang basta wag mo nalang uulitin." sabi niya tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Na agad naman kinapula ng mukha ko. Lingid sa kaalaman ni Andrei ay may lihim akong pagtingin sakanya noon pa man. Which is? Di ko na inaamin at pinapahalata dahil mas gusto kong maging kuntento sa pagiging magkaibigan namin.

"Wag mo munang isipin yan ang mabuti pa kain muna tayo." masayang usal niya.

"Libre mo?" nakangusong tanong ko sakanya.

"Oo naman. Hahahaha." natatatawang sabi niya na siyang ikinagulat ko. Si Andrei tumawa? Ohmygash di ko maiwasang matuwa dahil eto ang unang beses na tumawa siya na ako ang nasa harap niya.

Wala na kasing ibang ginawa yan noon kundi magsungit at maging mailap sa tao.

"Oy bat tulala ka diyan." yugyog niya sakin.

At tsaka ko lang napansin na nasa canteen na kami. And guess what nakaorder na siya ng food.

Ganun ba ko katagal nakatulala parang di naman.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now