Kabanata 23

6.1K 152 2
                                    

COLEEN

Nagising ako sa liwanag ng araw at napatingin sa paligid. Nasaan ba ko? Ng bigla kong maalala yung nangyari kagabi. Shit may dumukot nga pala sakin.

"At gising na pala ang prinsesa." boses palang kilala ko na. Tengene ano nanaman gusto nito.

"Ano nanaman nagawa ko sayo." naiinis na singhal ko sakanya.

"At may gana ka pang sumigaw. Damn you bitch." sabi niya tsaka inirapan ako.

"Ano na naman bang pakulo ito?" bored na tanong ko. Ilang beses niya na ba ginawa sakin to?

Ilang beses niya na ba ako kinidnap? Ilang beses na niya ba ako ganituhin. Tengene mula ata ng ipanganak ako wala na siyang ginawa kundi saktan ako at pahirapan ako.

Bat ba di niya ako matanggap? Ganun na ba kahirap sakanya ang tumanggap ng tao. Kasalanan ko ba na ayaw sakanya ng ibang tao at ako pa talaga sinisisi niya. Tengene di niya ba alam kaya ayaw ng tao sakanya ay dahil rin sa attitude niya.

"Malaking malaki Coleen kaysa magtanong ka ng magtanong bakit kaya di kanalang magdasal." she's really crazy now. Baliw na siya!

"Nababaliw kana?" nakangising sabi ko sakanya.

"I'm not crazy bitch." sabi niya tsaka lumapit sakin at sinabunutan ako. "Who you are to call me crazy?" galit na galit na bulyaw niya sakin.

"Bakit di mo nalang tanggapin?" seryosong sabi ko at parang wala lang sakin yung sabunot niya. Duh! I am healer for the goddamn sake.

"Bawian mo sinabi mo damn you I'm not crazy. I'm not." di parin siya tumitigil sa pagsabunot sa buhok ko.

"Kailan mo balak tumigil? Eh alam mo naman natin pareha na di ako nasasaktan." sabi ko kaya binitawan niya ako at galit na galit na tumingin sakin.

*PAK*

Sinampal niya ako. Pero wala pa din akong nararamdaman ganto pag healer pero alam kong namumula na mukha ko. Pero yung pain wala lang sakin.

*PAK*

"Bakit parang wala lang sayo? Nagsasayang lang ba ko ng oras sayo." sigaw niya sakin habang patuloy pa din sa pagsampal sakin.

"Good question. Sa tingin mo?" sabi ko tsaka ngumisi.

"Argh I hate you Coleen." frustrated na sigaw niya at patuloy akong sinasampal.

Nu bayan namumula na siguro mukha ko daig ko pa siguro nagblush on nito. Dyahe mawawala din yan siguro sa mga susunod na araw.

Paano ko nalaman? At paano ako nakakasigurado na buhay pa ko nun.

Simple lang di ako kayang patayin ng taong nasa harap ko ngayon.

"Wala ka na bang ibang gustong gawin? Baka gusto mo naman suntukin ako or tadyakin suggest ko lang." mapang-asar na tanong ko sakanya at ayun lalo lang siya nabwisit.

"Shut up." sigaw niya sakin.

"Bat di mo nalang tanggapin na ayaw sayo ng paligid. At kasalanan mo na din yun dahil sa ugali mo." bored na sabi ko sawang-sawa na kasi sabihin sakanya ito.

"Tengene paano ko tatanggapin eh alam mo bang iniwan ako ni Drake ng dahil sayo. Dahil ikaw ang gusto niya Coleen. Tapos ngayon si Miguel ayaw din sakin." aba sakin pa sinisi yung nangyari sa kanila ni Drake. Ey kasalanan ko ba kung nagustuhan pala ako ng gagong yun habang sila nitong bruha na to.

Paano kasi masyadong sinakal si Drake kaya ayun naghanap ng iba. Don't get me wrong di ko pinatos si Drake ah. I'm not stupid para patulan ang ex-boyfriend ng kapatid ko.

Nagulat kayo noh. Oo kapatid ko tong abnormal at nababaliw na nasa harap ko ngayon. Pag to nalaman ni Mama patay na naman siya pagnagkataon at paniguradong isusumpa nanaman ako nito.

"Tengene ilang beses ko bang iexplain sayo na di ko kasalanan na nagkagusto sakin si Drake. At kasalanan mo yun kasi masyado mong sinakal ang tao." napairap nalang ako sa ere pagkatapos ko sabihin sakanya yun.

"What? Pwede bang manahimik ka." singhal niya sakin.

"You know what? Ate di ko alam kung anong kinagagalit mo sakin. Tengene kapatid mo ko for pete sake." sigaw ko sakanya di ko kasi talaga alam kung bakit nagkakaganto siya sakin at ganun nalang ang galit niya sakin.

"Pwede ba wag kang maingay. Di kita kapatid." sigaw niya sakin tsaka tumalikod. Di ko alam pero biglang nagbagsakan mga luha ko. Sa buong buhay ko di niya ko itinuring na kapatid. Nasasaktan ako sa tuwing sinasabi niyang di niya ako kapatid. At masakit isipin na siya pa ang no.1 hater ko. Di ko alam kung saan nanggagaling ang galit niya sakin? Na halos gusto niyang dalhin sa hanggang sa mamatay at hanggang kabaong niya.

Pasimple kong kinubli ang aking mga luha habang nakatalikod siya.

"Ate di ko alam kung ano bang dapat kong gawin para tigilan moko." garalgal na sabi ko sakanya.

Humarap siya tsaka ngumisi.

"Alam mo ang dapat mong gawin? Mawala ka sa landas ko. Sa landas ni Mommy at sa landas Miguel. Gusto kong mawala ka na sa mundong to. At ako na ata ang pinakamasayang tao pagnangyari yun." mala-demonyong sabi niya tsaka tumawa tsaka lumapit sakin at tinadyakan ako.

"Ate alam mong imposibleng mangyari yun." napapailing na sabi ko.

Di ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para maging matapang sa harap niya pero totoo lang gustong-gusto ko na umiyak. Pero ayoko magmukhang mahina sa harap niya. Ayokong isipin niyang talunan ako.

"Edi gagawin nating posible Coleen kaya magdasal-dasal ka na dahil mamaya di mo na makikita ang liwanag." sabi niya tsaka naglakad paalis.

Ate? Ate Catana.

MIGUEL

"Oy alam na daw ni Criszette kung nasaan si Coleen." sabi ni Stacey samin.

"Eh paano mo nakausap si Criszette?" tanong ni Joshua sakanya.

"Tinext niya ko. May cellphone pala ang bwisit." sabi ni Stacey.

"Oh nasaan daw?" tanong ko kay Stacey.

"Sa Likod ng School sa bodega." sagot niya kaya tumango tsaka kami nagdesisyon na pumunta dun.

Makikita na din kita Coleen wait for us.

Pagdating namin doon naabutan naming prenteng nakaupo si Criszette sa damo habang nakasandal sa puno.

"Oh bakit nakaupo kalang diyan?" bungad ni Stacey sakanya.

"Kayo nalang kumuha kay Coleen intayin ko nalang kayo dito. Pero di niyo na kaya itext mo nalang ako Stacey." sabi niya tsaka ipinikit ang mata.

Pero muli siyang dumilat at tumingin sakin.

"Miguel get her." sabi niya tsaka pumikit ulit.

Napakaweirdo talaga nito.

Tsk wag kang mag-aalala kukunin ko talaga siya at oras na malaman ko kung sino may pakana nito sasapakin ko talaga mapababae man o lalaki.

I'll surely get her.



The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now