Kabanata 40

5K 150 1
                                    

CHRISTIAN

"Christ ayos kalang." biglang tanong sakin ni Andrea. Kasalukuyan kaming nasa garden kasama ang lima na gunggong plus sina Serena at Coleen. Wala si Andrei dito di ko alam kung nasaan.

"Di ko alam pero nag-aalala ako kay Criszette." pagpapakatotoo ko sakanya.

"Hayaan mo di naman hahayaan ni Criszette na lamunin siya ng lungkot eh." sabi ni Andrea habang nakatingin sa fountain.

"Hindi yun eh alam kong kaya niyang wag magpalamon ang kinakatakot ko ay kung bakit siya ang laging target ni Israel. Ano ba talaga si Criszette? At natatakot ako sa katotohanang malalaman ko pagdumating ang panahon na yun." di ko alam pero nakaramdam talaga ko ng takot.

Kasi iba ang lakas ni Criszette. Di siya pangkaraniwang mafians lang. May iba sa kanya. At doon ako tunay na natatakot.

"Bakit ano ba si Criszette?" nagtatakang tanong niya.

"Nung wala ka pa dito may kung ano-anong nangyari sakanya." sabi ko sakanya.

"Ano naman yun?"

"Basta madami. Mahabang kwento." sabi ko at patuloy parin nag-iisip.

"Tsk andami niyo talaga utang na kwento sakin magkapatid. Teka nasaan nga pala si Stacey?"

Natigilan ako sa tanong niya. Tsaka nakangiting nagsalita sakanya.

"Siya ay nasa mundo ng mga tao. Nakakalungkot man pero wala na mga magulang niya ang tunay na Hari at Reyna ng Zaynadarks. Kaya bumalik siya don para hanapin ang sarili dahil kasabay ng pagkamatay ng magulang niya ay nalaman niya din na Sandiwa siya ng Zaynadarks." kwento ko sakanya.

"Hala? Ang tagal ko palang nawala di ko man lang siya nadamayan." malungkot na sabi ni Andrea.

"Kaya nga eh."

"Di man lang ba siya napigilan ni Criszette."

"Paanong pipigilan eh. Ilang linggong tulog sa Clinic yun dahil dun sa kakaibang mafi na taglay nun."

"Ay kaya pala."

Di na kami muling nag-usap pinagmasdan namin ang mga kasama namin na naghaharutan.

Maliban kay Jameson na ubod ng tahimik simula ng umalis si Stacey.

"Bakit nga pala ang tahimik nung boy na yun." turo ni Andrea kay Jameson.

"Tsk boyfriend ni Stacey yan."

"Ang swerte ni Stacey anggwapo niya."

Dahil sa inis tinaasan ko siya ng kilay at pinandilatan.

"Oh bakit ganyan reaksyon mo?" nakakunot noong tanong niya.

"Tsk. Mas gwapo pa ko diyan eh." nakangising sabi ko.

Kaya ayun pinaghahampas niya ko.

"Di ko talaga alam kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob para sabihing gwapo ka eh." natatawang sabi ni Andrea sakin.

"Syempre alangan naman idown ko sarili ko."

"Aba naman. Namiss ko tong gantong usapan. Kaso nga lang kulang tayo wala si Criszette at Stacey." malungkot na sabi ni Andrea.

Kaya tinapik ko siya sa balikat.

"Wag kang mag-aalala babalik din yun si Stacey. Pero si Criszette yun ang di ko alam."

"Sana nga. Dahil miss na miss ko na yung dalawang yun."

"Hahaha. Paano mo namiss yung kapatid kong yun eh napakatahimik nun." natatawang tanong ko sakanya.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now