Kabanata 47

4K 172 1
                                    

CHRISTIAN

Halos di ko alam ang gagawin dahil sa biglang pagsulpot ni Jenica.

Pinsan ko siya yun ang alam ko.

Pero dahil sa nangyayari ngayon mas lalo akong naguguluhan.

Lalo na ng sabihin yang kapatid niya si Criszette.

Pero paano nangyari yun?

Darating na ba ang araw na malilinawan ang lahat ng gumugulo sa isip ko?

Dahil nung minsang tumira ako sa Amiandre eh kung anong ugali ni Criszette yun din ang ugali ni Jenica.

Di ko pinansin yun kasi maaaring nagkataon lang.

Maging yung paghabol niya sakin bago umalis.

Para iabot ang liham para kay Criszette.

Teka nasaan na pala yun? Tsk ang burara ko talaga baka nasa dorm ko lang yun.

Di ko naibigay nung birthday niya.

Tapos yung kakaibang pakpak na meron si Criszette na sa tingin ko ako lang nakakita.

Tapos ang lalong nagpagulo ay ang brilyanteng hawak niya.

Kilala ko ba talaga kapatid ko?

Or should I say kapatid ko ba talaga si Criszette?

"Chris ayos ka lang ba?" biglang sulpot ni Andrea sa gilid ko.

Nandito pa rin kami at pinapanood ang nangyayari sa loob. Dahil nga di kami makapasok.

"Kilala ko yung babae na yan. Siya si Jenica nakilala ko siya nung minsang umalis ako dito sa Ainabridge." mahinang bulong ko sakanya.

"Akala ko ba Christ ikaw lang ang kapatid ni Criszette at kayo lang ang magkapatid pero ano to? Tsk ang gulo-gulo." napapailing na sambit ni Andrea.

"Sumasakit na ulo ko sa kakaisip." nagulat kami ng biglang sumigaw si Stacey maging siya ay naguguluhan na din.

May nililihim ba si Mommy samin?

Kapatid ko ba talaga si Criszette?

"Cey just relax baka mapano ka nan." sabi ni Jameson tsaka hinimas-himas ang balikat ni Stacey.

"Ang gulo-gulo na kasi Eson parang di ko na kilala ang bestfriend ko na parang ang dami kong di alam sakanya." halos mangiyak-ngiyak na sambit ni Stacey.

Kung naguguluhan ka mas lalo na ako Stacey.

*Blag*

Kaya agad kaming napalingon ulit sa loob.

"Di ko hahayaang masaktan mo ang kapatid ko Drake. Sapat ng napaslang niyo si Tita Shami sapat na yun." sigaw ni Jenica kay Drake.

"Oh well di ko alam yan pero dapat ko atang icongratulate ang Amang Hari sa pagpaslang sa pakialamerang Shami na yun." nakangising sabi ni Drake.

"P-patay n-na s-si Mommy." halos manghina si Criszette at mapaupo sa sahig. At ako din bumagsak ang katawan ko sa sahig dahil sa pagod.

"Hindi maaari. Impossible!" naiiyak na sabi ko habang nakasandal na sa bintana at pinipigilan na magpakita ng sobrang emosyon sa mga kasama.

Agad naman akong inaalalayan nina Joshua at Andrea.

"Wala na ang Nanay ko. Wala na." parang tanga na ko dahil umiiyak na ko dito.

Kaya pala?

Di ko na siya macontact at di siya dumating nung first day namin ni Criszette dito.

Kaya pala ganun nalang ang bilin niya sakin na alagaaan ko si Criszette nung huling nag-usap kami.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant