Kabanata 62

3.5K 106 3
                                    

ANDREA

"I feel the same way Andrea. I really like you too." nakangiting sambit niya.

Oh my ghad.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Paano na to?

Dahil di ko alam ang sasabihin ko nanakbo ako paalis ghad di ko kinaya yun.

"Ah sige una na ko sa canteen nagugutom na ko eh treat ko guys." sigaw ko sa kanila tsaka kumaripas ng takbo papuntang canteen.

Pagdating ko sa canteen agad akong umorder ng lahat ng klase ng tinda sa canteen at dinala ito sa table naming magkakaibigan.

Siyempre nagkinain na ko. Habang iniisip ang kahihiyang nagawa ko kanina. At ang mga sinabi ni Joshua ghad!

Maya-maya pa ay narinig ko na ang tawanan ng mga kaibigan ko.

Parang di naman seryoso si Joshua sakin e.

At nangunguna si Joshua dun.

Ang tanga mo Andrea!

Para akong ewan na tinutusok-tusok ang tocino na pagkain ko.

Asa ka namang gusto ka din nan ni Joshua!

Natatawa na naiiyak ako sa naiisip ko. Pero malakas kasi talaga pakiramdam ko na pinagtritripan lang ako ni Joshua.

"Andrea wuhoo."

"Assuming ka talaga Andrea." natatawang sambit ko sa sarili.

"Andrea."

"Pinagtritripan ka lang nun." wala sa sariling sabi ko habang patuloy na tinutusok-tusok ang pagkain sa lamesa.

Ng biglang may bumagsak na ano kaya napabalik ako sa realidad.

"Ay nalaglag ang puso ko." wala sa sariling bulaslas ko at tsaka ko nalang napansin na nandito na pala sila lahat. Oo silang lahat pati Joshua.

"Ah Andrea yung tocino hindi na mukhang tocino." mahinang sabi ni Coleen sakin kaya napatingin ako sa tocino.

Ghad napakabrutal ko naman ata.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sakin ni Andrei.

"Ah..hindi." sabi ko tsaka napatingin sa direksyon ni Joshua na nakatingin sa baba. "Ay oo pala okay lang ako." nakangiting sabi ko sakanila.

"Sigurado ka diyan ha." sabi ni Serena tsaka lumapit sakin. "Sigurado ka bang okay ka lang talaga." ulit niya pa sakin.

"O-oo n-naman." utal na sagot ko sakaniya.

"Eh bakit baligtad yung plato mo." sabat ni Christian. Kaya napatingin ako sa plato ko.

Ohmyghad! Nababaliw na ba ko?

Tama siya nakabaligtad ang plato tapos nasa taas nun yung tocino na halos di na makilala ang itsura.

Nagulat ako ng lumapit si Joshua at hinila ako patayo sa upuan ko.

"J-joshua." utal na sambit ko.

"Mag-usap tayo at please lang wag mo kong tatakbuhan." seryosong sabi niya tsaka hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng canteen.

Okay wala na kong kawala!

CHRISTIAN

Parang ewan yung dalawang yun. Pagkaalis ng dalawa ay nagkatinginan  kami tsaka nagtawanan.

"Parehong nag-iinarte ang lintik." natatawang sabi ni Miguel.

"Matagal ng may gusto sa isa't isa ayaw lang masipag-amin." natatawang dugtong naman ni Serena.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now