Kabanata 53

3.9K 126 3
                                    

Dedicated to @PamelaGaveria

A/N: I'll dedicate this chapter to her dahil sa comment niya na nagpa-inspire sakin na ituloy pa ang kwentong to. Maraming salamat sa iyo sa pagcheer up sakin . This chapter was for you.

SOMEONE POV

"Ngayong hawak na natin siya ano ng plano mo Ama." nakangising tanong ni Drake sa Ama.

"Hayaan mo muna siya Drake at siguraduhin niyong di niya magagamit ang mafi ng paglaho para makatakas." nakangising sagot ni Israel sa anak.

At tsaka binalingan ang dalagang walang malay.

"Nagkamali ka ng hinamon Iha." nakangiting sabi niya habang nakatitig kay Criszette at tsaka sinenyasan si Drake na aalis na siya.

"Susunod ako dun si Ama bibilinan ko lang ang mga kawal." ani ni Drake.

Sa kabilang banda..

Nagising si Stacey na ramdam ang hilo sa buong katawan. Natagpuan niya ang sarili sa dorm nila.

At agad hinanap ng kanyang mata si Criszette ngunit bigo siyang makita.

"C-criszette." nanghihina man ay sinubukan niyang hanapin sa paligid si Criszette ngunit nalibot na lamang niya ang buong paligid ngunit di niya nakita ito.

Kaya napaluhod siya sa pagod.

"Criszette nasaan ka." nanghihingalong sigaw niya at dahil sa pagod ay bumagsak ang kanyang katawan sa sahig.

At mga ilang minuto lamang ang nakalipas ay dumating si Christian.

At nadatnan niya si Stacey na nakahandusay sa sahig.

"Stacey." sigaw niya at nagmamadaling nilapitan at binuhat ito palabas ng dorm para dalhin sa clinic.

Pagdating niya sa clinic.

"Anong nangyari kay Ms. Rodriguez." salubong na tanong sakanya ni Nurse Romina.

"Nadatnan ko siyang walang malay sa dorm nila di ko alam ang nangyari." malungkot na sambit niya at labis na nag-aalala dahil di niya nakita si Criszette sa Dorm.

"Ay ganun ba halina't ihiga mo siya sa kama ng aking matingnan ang kanyang kalagayan." ani Nurse Romina.

Agad namang dinala ni Christian si Stacey sa kama at ng maihiga ito ay agaran naman itong inaasikaso ng Nurse.

"Ah Nurse Romina aalis lang ako saglit kayo po munang bahala kay Stacey sasabihan ko lang ang boyfriend nan." pagpapaalam ni Christian.

"Bumalik ka agad iho dahil baka maghanap tong si Stacey." bilin ni Nurse Romina sakanya. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon sa gusto ng Nurse.

"Sige mauna na po ako." huling paalam ni Christian tsaka lumabas ng clinic.

Sa kabilang banda naman...

Nagising si Criszette at pinagmasdan ang paligid.

"Shit anong nangyari?" sabi niya habang hinihimas-himas ang nahampas na parte kanina.

"Gising ka na pala." nagulat siya sa babaeng nasa harap ngayon ng gate at nakatingin sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Criszette.

"Kailangan mong makaalis dito Criszette di na mahalaga kung bakit nandito ang mahalaga makatakas ka dito." sambit nito kay Criszette.

Biglang naalala ni Criszette yung sinabi ni Drake sa kanila.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now