Kabanata 24

6.2K 156 1
                                    

COLEEN

Ng umalis si Catana mariin kong pinagmasdan ang paligid. Sa palagay ko nasa isang bodega ako. At isang lugar lang ang alam kong may bodega at ito ay ang nasa likod ng campus.

Mahanap kaya nila ako.

Sana! Mahanap niyo ko, imposible namang di niyo ko mahanap duh nasa likod lang ng campus ang bodegang to.

"Oh parang di ka nakakatakot mamatay?" biglang sulpot ni Ate Catana.

"What would I?" di ko talaga alam kung saan ko kinukuha lahat ng tapang ko tengene.

"Damn bitch you." sigaw ni Ate sakin kaya napangiwi nalang ako.

"Tigilan moko sa kaartehan mo Ate kasi di ka magtatagumpay." tengene ano bang pinagsasabi ko? Di naman ako siguradong hahanapin ako nung mga yun.

"At paano ka nakakasiguradong ililigtas ka nila." sabi niya tsaka sinakal ako.

Tengene aaminin ko nahihirapan ako huminga. Susumbong ko talaga to kay Mommy.

"Katapusan mo na my dear sister." nakangising sabi niya tsaka mas lalong diniinan ang pagkakasakal sakin.

Akmang tutuluyan niya na ko ng biglang may kumalabog pareha kaming napalingon.

Miguel?

Ang gulo ng buhok niya at kala mo kung saan nagpagod. At mababasa mo sa mukha niya ang labis na pag-aalala.

Nakangising humarap si Catana sakanya.

"Here comes the hero." nakangising sabi niya.

"Pwede ba tigilan mo na to Catana ako na nakikiusap sayo." pakiusap ni Miguel kay Catana.

"At bakit ko naman gagawin yun?" nakangising tanong ni Catana tsaka humarap sakin.

Ano na namang pinaplano nito?

"Tutal nandito ka na Miguel ang palabas ay magsisimula na." ngiting-ngiti na sabi niya tsaka lalong diniinan ang pagsakal.

"A-te n-aki-kiu-sap a-k-o." nakaramdam na ko ng takot at kaba dahil alam kong demonyo na tong nasa harap ko.

"Catana. Tengene wag mo siyang sasaktan." nagmamakaawang sabi ni Miguel hindi siya makalapit kasi baka tuluyan na talaga ako ni Catana.

"Ate ta-m-a n-a. T-ama n-a." garalgal na sabi ko at puno ng pakikiusap.

Naramdaman ko na ang pagbagsak ng mga luha ko. Di ko kasi akalaing darating sa puntong mapapatay niya ang sarili niyang kapatid.

"Ate tama na." tanging bulong nalang dahil anumang oras ay mawawalan na ako ng hininga.

Pumikit nalang ako at tinanggap nalang ang katotohanang hanggang dito nalang siguro ang buhay ko.

At sa kamay pa ng Ate ko. Siguro naman magiging masaya na siya pagnawala na ko. Pag nawala na ko sa buhay niya.

"Ves Hades." biglang nawala ang pagkakasakal ni Ate at dahan dahan kong iminulat ang mata ko.

Criszette?

Magsasalita na sana ko ng maramdaman ko nalang ang sarili ko na nahihilo at naging dahilan para bumagsak ako sa lupa.

"Coleen."  rinig kong sigaw ni Miguel tsaka ako nawalan ng malay.

And everything became black..

MIGUEL

Shit! Nooooo hindi ganito. Agad ako nanakbo papunta kay Coleen na bumagsak sa lupa. Nagsulputan na din yung iba.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now