Kabanata 57

3.7K 132 7
                                    

STACEY 

Lahat kami tulala sa mga katotohanang narinig namin kay Andrea. At pare-pareho kaming napuno ng tanong sa brilyanteng hawak ni Christian.

Ng biglang..

"Headmistress! Ang mga Darks nanggugulo." biglang sulpot ni Joshua. Kasama niya si Miguel na agad lumapit kay Coleen.

"Ano? Bakit? Ano naman kailangan nila satin di pa ba sapat na hawak nila ang kapatid ko." iritadong sambit ni Christian.

"Nasaan sina Jarret at Jameson?" out of nowhere na tanong ko dahil nag-aalala talaga ko lalo na kay Jameson.

"Sa kasamaang-palad nandito sila sa Gate nakikipaglaban sa mga Darks para di sila tuluyang makapasok sa Academy. Dahil maraming buhay ang malalagas na naman." usal ni Joshua.

Napatayo ako.

"Ano bakit pinabayaan niyo sila? Bakit?" sabi ko tsaka nanakbo palabas ng clinic.

"S-stacey." rinig kong tawag ni Andrea pero di ko sila pinansin.

Ng biglang pumasok sa isip ko yung huling pinag-usapan namin ni Jameson.

"Ang lalim ata ng iniisip mo." biglang sulpot ko sa gilid niya dahil nakita ko siyang tulala at mukhang malalim ang iniisip.

"Iniisip ko kasi kung what if kailangan kong isuko ang buhay ko para sa nakakarami."

"You mean sacrifice your life for the safe of others." nagtatakang tanong ko sakanya.

Agad naman siyang tumango bilang sagot.

"Kahit kapalit pa nito ay may masasaktan akong tao na iiwan ko. Iniisip ko palang na gagawin ko ang ganung bagay parang ang selfish ko naman nun." dugtong pa niya habang nakatingin sa puno na nasa harap namin."Mga taong di man nila sabihin eh alam kong mahal nila ako." sambit pa niya.

"Teka nga bakit ganyan ka magsalita." nagtatakang tanong ko sakanya. Dahil naguguluhan na talaga ko.

"Oo prinsipe ako ng Amians. Isa lang ako prinsepe na may limitadong kapangyarihan dahil hanggang ngayon ay wala pang napipiling tagapangalaga ang brilyante ng Amians. Handa nga ba akong ialay ang buhay ko para sa buhay ng iba." aniya.

Di ko alam pero nakaramdam ako ng takot ng sobrang takot dahil maaaring totoo o magkatotoo lahat ng kanyang sinasabi. Kaya niyakap ko nalang siya.

Dali-dali akong nanakbo papuntang gate na tinutukoy ni Joshua.

Matinding takot ang bumabalot sakin habang binabagtas ang daan.

Eto na ba yung sinasabi niya? Na darating ang araw at kailangan niyang isakripisyo ang buhay niya para sa iba.

"Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita Stacey. Ang prinsesa ng Zaynadarks." nakangiting sambit niya sakin.

"Bakit ganyan ka ba magsalita Jameson tinatakot mo ko mahal din kita." sambit ko sakanya tsaka di na napigilang umiyak.

Di pa ko handa Jameson. Sana hindi pa to yung sinasabi mo sakin. Di pa ko handang maiwan.

Hanggang sa natanaw ko na ang gate kung saan kasalukuyan nakikipaglaban sina Jameson at Jarret kasama ang ibang mafians na pawang malalakas na.

Huli na para makalapit ako dahil nakita ko kung paano sinasaksak ni Drake si Jameson mula sa likod.

"E-eson." pagod na sigaw ko.

JARRET

Kasalukuyan kaming nasa dorm ni Kuya ng biglang..

The Cold Princess of Ainabridge AcademyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora