Kabanata 60

3.7K 116 4
                                    

ANDREA

Pagkatapos ng libing ni Jameson agad ng bumalik sa normal ang lahat maliban kay Stacey na laging tulala at umiiyak sa isang tabi.

Di namin siya makausap. Ni hindi pa siya lumalabas ng kwarto simula ng umuwi siya galing sa libing ni Jameson.

Kaya bilang kaibigan at nakakaintindi sakanya pinabayaan ko nalang siya ilang araw na din akong nagpabalik-balik sa Dorm nila ni Criszette.

Samantalang ang iba naming mga kasama ay nagtetraining at naghahanda para sa paglusob sa Zaynadarks para iligtas si Criszette.

At ngayon ay kasalukuyan kaming nasa training ground tanging kami lang tanging pito ang nandito dahil na rin sa utos ng aking Ina.

At kung tinatanong niyo kung nasaan ang kakambal ko? Well hanggang ngayon ay di pa bumabalik mula sa Azulan.

Dahil na rin siguro sa naging sagutan nila ni Ina.

"Ano ba Joshua ayusin mo pag-asinta mo." rinig kong sigaw ni Miguel kay Joshua.

Teka? Antagal ko na dito pero di ko alam kung saan nanggaling tong dalawang to.

Ang alam ko lang kasi sina Jameson at Jarret ay Sandiwu ng Amians at si Christian ay inamin niya samin na Sandiwu siya ng Amiandre aba iba ang kuya mo. At sa Aegisfling ay si Sandiwu Keiron at Sandiwa Serena at si Coleen naman daw ay taga Azulan din tulad ko karamihan daw kasi ng taga Azulan ay magagaling na Healer at may mafi na magteleport at ang mga natatanging mafi na ipinagkaloob ng bathala sa bawat isa samin.

Pero etong sina Miguel at Joshua ay di ko alam kung saan nagmula.

Kaya kinulbit ko si Serena na kasalukuyang katabi ko ngayon.

"Oy Serena may itatanong lang sana ako." nag-aalalangang tanong ko sakanya.

Ngumiti siya.

"Ano yun Andrea?" tanong niya sakin.

"Saan nanggaling sila Joshua at Miguel?" tanong ko sakanya.

Ngumisi siya at binigyan ako ng nanunuksong tingin.

Kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Kanino ka ba mas interesado kay Miguel o kay Joshua." nakangising sabi niya.

Talaga namang pinagdiinan pa.

"Tigilan mo ko Serena." iritadong singhal ko sakanya.

"Chill kalang." sabi niya ng may pataas-taas pa ng kamay na kala mo'y sumusuko.

"Umayos ka Serena kung ayaw mong maging abo." inis na talaga sambit ko sakanya.

Kaya pailing-iling siyang tumawa habang tinuturo ako.

"Umamin ka nalang kasi." nakangising pang-aasar niya pa.

"Isa." inis na singhal ko sakanya.

Agad naman siyang napataas ng kamay na tila sumusuko na.

"Ano ba gusto mo malaman tungkol kay na Joshua at Miguel?" seryosong sambit niya.

"Saan sila nagmula? Anong kaharian sila nanggaling?" ani ko.

"Ah iyang sila Miguel at Joshua ay magpinsan. Sila ay parehang Sandiwu ng Armenia ang malayong kaharian dito sa Normsantandia. Ang Armenia at maliit lamang na kaharian kaya di siya kabilang sa Four A's. Laking Armenia ang dalawang yun. Na napadpad dito sa Ainabridge para mag-aral." paliwanag niya sakin.

"Magpinsan sila?" nagtatakang sambit ko.

"Oo di halata noh." natatawang sabi niya.

"Kaya pala parehang maingay." umiiling na sambit ko.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt